top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 16, 2021




KATANUNGAN

  1. Magda-dalawang taon na ang mister ko sa abroad at may dalawa kaming anak na nasa elementary pa. Ang problema, habang wala siya ay natukso akong makipag-text sa isang binata hanggang sa na-in love ako at naging boyfriend ko siya. Dumating ang point na hindi ko na napigil ang aking sarili na makipagkita sa kanya hanggang sa may nangyari na sa amin.

  2. Sa ngayon, gusto ng boyfriend ko na iwanan ko na ang aking asawa at magsama na kami. Isama ko na raw ang aking mga anak, magpakalayu-layo kami at mamuhay sa probinsiya na hindi nang kami masusundan pa ng aking asawa.

  3. Ang problema, malapit nang umuwi ang mister ko, kaya litung-lito ako ngayon kung ano ang dapat kong gawin. Sino ba sa dalawang lalaking ito ang nasa guhit ng aking palad na nakatakda kong makasama habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Wala kang dapat gawin ngayon kundi iwasan ang textmate mo kung saan sa kasalukuyan, masasabing hindi pa naman huli ang lahat upang magbagong buhay ka. Iwasan at iwanan mo na ang iyong boyfriend habang hindi pa natutuklasan ng iyong mister ang inyong ginagawa.

  2. Sa ganyang paraan, matutupad ang kaisa-isang medyo gumulo o nabaluktot, pero naayos at tumuwid ding Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung aayos ka ng kilos ngayon, magpapakatino at hindi na makikipagkita o makikipag-usap pa sa boyfriend mo, maiiwasan na ang napipintong pagkawasak ng inyong pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tandaang kapag pag-ibig ang pag-uusapan, hindi dapat sinasangkalan ang nasabing salitang “pag-ibig” sa ka-immoralan. Ang hindi ko kasi lubos maisip, kung true love o tunay na pag-ibig ang nadarama ng isang nangangaliwa o nanloloko ng asawa, (na kaya niya raw ito ginagawa ay na-in love kasi siya), para bang lumalabas na ang pag-ibig palang ito ay medyo o likas na immoral at illegal?

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. X, kung mananatili ka sa pakikipagrelasyon sa boyfriend mo ngayon habang ikaw ay may asawa, higit na mananaig ang pagkabaluktot at pagiging magulo ng iyong Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Subalit kung susupilin at isasakripisyo mo ang iyong hangal na damdamin alang-alang sa iyong mga anak at minamahal mong pamilya, mas mananaig ang natuwid at naayos na Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad — pag-uwi ng iyong asawa mula sa abroad, mas magiging maganda at masaya, dahil may dadatnan siyang isang maligaya at buo pa rin at panghabambuhay na pamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 14, 2021




KATANUNGAN

  1. Wala pa rin akong girlfriend ngayon, kaya naisipan kong sumangguni sa iyo upang malaman kung kailan ako magkaka-girlfriend. May nililigawan naman ako, kaso parang wala siyang gusto sa akin. Siya ay isang Aquarius at Cancer naman ang zodiac sign ko. Dapat ba akong magpatuloy o tumigil na lang bago tuluyang ma-busted?

  2. Maestro, sana mabigyan n’yo ako ng tamang advice upang hindi ako magkamali ng desisyon at plano ko rin kasing mag-asawa na kapag natapos na ang pandemya, kaya gusto ko na talagang magka-girlfriend.

  3. Sa palagay n’yo, ayon sa guhit ng aking mga palad, magkaka-girlfriend na ba ako ngayong 2021 o 2022?

KASAGUTAN

  1. Tunay ngang mas maganda, malinaw at mahaba ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad kung ikukumpara sa naunang sobrang ikli at halos hindi gumuhit na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.).

  2. Ibig sabihin, sa sandaling itinigil mo na ang panliligaw sa babaeng isinilang sa zodiac sign na Aquarius, tiyak ang magaganap ngayong 2021, sa buwan ng Setyembre, isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang magiging girlfriend mo kung saan ang babaeng ito ay kilala o kaibigan mo na. Sa sandaling nagkapalagayan kayo ng loob, wala pang isa o dalawang buwang panunuyo, para kang tumama sa lotto, mabilis ang magaganap at tulad ng nasabi na, magiging girlfriend mo siya ngayong taon sa buwan ng Setyembre o Nobyembre.


DAPAT GAWIN

Tulad ng nasabi na, Caleb, dahil hindi mo naman ka-compatible ang Aquarius, mas mainam na itigil mo na ang panliligaw sa sinasabi mong babae. Sa halip, habang pumapasok ang panahon ng tag-ulan, lumingon-lingon ka sa iyong kapaligiran dahil maaaring kasamahan mo sa trabaho o kapitbahay n’yo lang ang babaeng Scorpio, na medyo maputi, malusog ang pangangatawan at mababa ang height, siya ang ligawan at suyuin mo, nang sa gayun ay kusang matupad ang iyong plano at pangarap— sa edad mong 28 pataas, magkaka-girlfriend ka at ang nasabing suyuan ay hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page