top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | October 26, 2023





Umabot na sa P250,000 ang pabuya para sa impormasyon ukol sa kinaroroonan ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Itinaas ang halaga nito matapos magbigay ng karagdagang P50,000 ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para sa pabuya.


Una nang nagbigay ng tig-P100,000 si Batangas Vice Governor Mark Leviste at isang business sector sa rehiyon para sa paghahanap ng nawawalang beauty queen.


Batay sa CCTV footage na nakuha noong Oktubre 12, nakita ang sasakyan ni Camilon na dumaan sa ilang bayan sa Batangas.


Ayon sa pulisya, tila hindi mag-isa si Camilon.


Isang "person of interest" ang natukoy, at patuloy ang imbestigasyon upang kolektahin ang higit pang impormasyon tungkol sa nasabing indibidwal.


Sinabi ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, hepe ng PRO 4A, malaki ang pag-asa ng mga awtoridad na buhay pa si Camilon.


Huling nakita si Camilon, kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 na nagrepresenta sa munisipalidad ng Tuy, noong Oktubre 12 sa isang mall sa Lemery.


Maaaring makipag-ugnayan sa pulis ang sinumang may impormasyon tungkol sa nawawalang beauty queen, sa numerong 0917-3295952.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 11, 2020




Magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng P50,000 hanggang P100,000 pabuya sa makapagtuturo ng opisyal ng gobyerno na sangkot sa graft o nagpaplano ng graft. Sa live briefing ni P-Duterte, aniya, ang makapagbibigay ng impormasyon sa mga small contracts ay tatanggap ng P50,000 at sa mga big contracts naman ay P100,000.


Aniya, “Pakiusapan ko na lang ‘yung lahat. Kayong walang trabaho, kayong mga casual, ilang taon na, all you have to do is to let me know (kung sino ang mga sangkot sa graft). And may prize ako.


‘Pag meron kang (naiturong) malaking sindikato, I will give you P50,000. Ibulong mo lang maski sino. “Huwag kang magbigay ng pangalan, sabihin mo lang ‘yung kontrata, rito ganito ganito, sino sa gobyerno… ‘pag malaking mga contract ‘wag mo lang sabihin pangalan mo. Ibulong mo lang na niluluto ‘yan, I will give you P100,000 and I will keep your identity secret until I reach my grave.


Hindi ko kayo… papasubo.” Dagdag pa ni P-Duterte, “At kung nalaman kayo tapos hina-harass kayo, paalamin mo ako. I will deal with the devil. ‘Yan ang gusto ko. Bumaril ng tao na legal. Kaya kung inaano ka, tinatakot ka, paalamin mo ako. I would be happy to make you happy.


“So riyan tayo magtapos mga kababayan ko. Take note of my… ‘yung ano ko… P50,000 [at] P100,000 ‘yung malaki. “Ibulong mo lang. ‘Wag ka magbigay ng pangalan. Pag na-ano namin na totoo, babantayan lang namin. Then I will allow it to ripen into a crime pagkatapos kami ang bibira.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page