top of page
Search

ni Eli San Miguel-Trainee @News | March 6, 2024




Hindi makabalik sa kanyang sariling bansa ang Prime Minister ng Haiti na si Ariel Henry, kaya’t nagtungo siya sa Puerto Rico noong Martes.


Kasalukuyang nalulubog sa krisis ang kabisera ng Haiti na Port-au-Prince dahil sa gang violence.


Pinagtangkaan ng armadong grupo na pinamumunuan ni Jimmy "Barbecue" Chérizier, na kontrolin ang international airport para pigilin ang pagbabalik ni Henry. Hiniling ni Chérizier ang pagbibitiw ni Henry sa puwesto, at nagbanta ng digmaang sibil kung hindi matugunan ang kanyang mga hiling.


Nagpasabog din ang mga rebelde sa mga istasyon ng pulisya at nagpalaya ng libu-libong preso mula sa dalawang bilangguan, bilang pagtatangka na patalsikin ang prime minister.


Sinabi ng United Nations na 15,000 katao ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa kabisera, na nagdagdag sa mahigit na 300,000 na dati nang nawalay dahil sa karahasan.


Nagdeklara na ang pamahalaan ng Haiti ng state of emergency noong Linggo sa gitna ng tumitinding karahasan sa Port-au-Prince.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 5, 2024




SEOUL, South Korea — Itutuloy ng gobyerno ng South Korea ang kanilang pangako na isuspinde ang lisensya ng maraming doktor na patuloy na hindi sumusunod sa kanilang hiling na tigilan ang mga protesta.


Nasa 9,000 mula sa 13,000 na mga medical interns at residente sa bansa ang tumigil sa kanilang trabaho nang halos dalawang linggo para magprotesta laban sa mga plano ng pamahalaan na magdagdag ng medical school admissions.


Hindi sumunod ang mga nagprotestang trainees sa ibinigay na deadline ng gobyerno noong Pebrero 29 na dapat silang bumalik sa trabaho o haharap sila ng legal na aksyon, kasama na ang posibleng pag-aresto o suspensyon ng kanilang medical license.


Nalaman ng gobyerno ang hindi pagbalik sa trabaho ng 7,800 junior doctors, kaya’t sinabi ni Vice Health Minister Park Min-soo na magbibigay sila ng mga abiso ng license suspension simula nitong Martes.


“As soon as their violations of the back to work orders are confirmed, we will send out advance notice of administrative measure starting today,” pahayag ni Park.


Sa ngayon, sinabi ng health minister na halos 9,000 trainee doctors ang nananatiling hindi nagtatrabaho, isang bilang na hindi gaanong nagbago sa loob ng nakaraang dalawang linggo.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 5, 2024




Aprub na sa mga mambabatas ng France ang abortion rights sa kanilang konstitusyon.


Sila ang naging kauna-unahang bansa sa mundong isinama sa konstitusyon ang abortion at karapatan nito.


Nakakuha ng 780 boto na pabor sa abortion at 72 ang kontra sa mga mambabatas ng parehong Senado at Kongreso.


Naganap ang botohan sa Palace of Versailles, sa southwest, Paris.


Kinomenda ng mga mambabatas ang desisyon sa pagsuporta sa reproductive rights na pagtutol sa pagbabawal ng abortion.


Ibinida rin nila ang mga signages na may nakasulat na "My body, my choice," sa Eiffel Tower matapos ang nasabing botohan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page