top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 8, 2024




Pormal na ang pagiging miyembro ng Sweden sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).


May 32 bansa na ang miyembro ng NATO sa kasalukuyan.


Saad ni NATO Sec. General Jens Stoltenberg, ang pagsali ng Sweden ay makakapagpalakas pa sa NATO.


Sa Marso 11, mamarkahan at opisyal na itatayo ang watawat ng Sweden sa mga nasasakupan ng NATO commands sa Europa at North America pati na rin sa headquarters nito sa Brussels.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 7, 2024




Nadiskubre ang isang "mass grave" na may higit sa 1,000 mga kalansay, na maaaring mula sa Black Death noong 1600s, sa Nuremberg, Germany.


Nangyari ang pinakamalaking pagtuklas na ito sa bansa, o maging sa buong Europe, habang sinusuri ang lugar para sa pagtatayo ng isang retirement home, ayon sa developer na WBG.


Hanggang 1,500 katao ang maaaring nailibing doon, na nagpapahiwatig na namatay sila sa isa sa mga plague outbreaks na naganap halos kada 10 taon simula noong ika-14 na siglo, ayon kay city archaeologist Melanie Langbein sa CNN.


Natagpuan ang walong libingan na may daan-daang katawan bawat isa. Hindi bababa sa isa sa mga libingan ang may petsa na mula sa huling bahagi ng 1400s o simula ng 1600s, ayon sa radiocarbon analysis.


Tila isa ito sa ilang sementeryo na binanggit sa mga dokumentong pangkasaysayan, ayon kay Nuremberg Lord Mayor Marcus König.


“The graves contain the mortal remains of children and old people, men and women; the plague did not stop at gender, age or social status. Now, for the first time, an empirically reliable analysis of a large population group from this period can be carried out for a city with the importance of Nuremberg,” ani König.


Itinuturing naman ng mga eksperto na isang kayamanan ng impormasyon ang mga kalansay.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 7, 2024




Umatras na sa pagtakbo bilang United States President ang dating South Carolina Governor na si Nikki Haley.


Inanunsyo ni Haley ang pag-atras sa eleksyon matapos matalo sa primary elections na sakop ang 17 estado na "Super Tuesday".


Samantala, natiyak naman na ang dating US President na si Donald Trump ang ituturing na representative ng Republican party sa halalan na gaganapin sa Nobyembre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page