top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 11, 2024




Mabilis na umaksyon ang United States at pinalikas ang mga non-essential embassy staff sa Haiti sa gitna ng patuloy na kaguluhan.


Pinatibay na rin ng US ang seguridad sa Port-au-Prince na kilalang kapitolyo ng bansa.


Ito ay matapos ang mga pag-atake ng gangs sa mga paliparan at kulungan.


Nais ng mga gangs na alisin sa puwesto ang Haitian Prime Minister na si Ariel Henry.


Samantala, kinumpirma ng US Embassy na ang US State Department ang nagdesisyon ng pagpapalikas sa kanilang mga tauhan sa tumitinding kaguluhan sa nasabing bansa.


Matatandaang hindi pa nakabalik sa kanyang bansa si Henry dahil sa mga pag-atake ng gangs kaya nanatili ito sa Puerto Rico.


Nakipag-ugnayan naman si US Sec of State Antony Blinken, pangulo ng Kenya, para tumulong sa Haiti at maibalik ang dating kapayapaan dito.


Inilikas na rin ng Germany at European Union Missions ang mga diplomatic staff nila mula sa tumitinding kaguluhan.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 11, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 11, 2024




Ninakaw ang halos 50 piraso ng ginto na likhang sining ng Italian sculptor na si Umberto Mastroianni, mula sa isang eksibisyon malapit sa Lake Garda, Italy.


Sinabi ng isang tagapagsalita para sa Vittoriale degli Italiani noong Sabado na 49 na likhang sining na nagkakahalaga ng €1.2 milyon (higit sa $1.3 milyong USD) ang ninakaw.


Natagpuan ang isa sa mga obra na tinatawag na "Uomo/Donna" (Lalaki/Babae), sa loob ng mga exhibition grounds, ngunit nananatiling nawawala ang iba pang 48 piraso.


Sa kasalukuyan, patuloy ang mga imbestigasyon tungkol sa pagnanakaw.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 10, 2024




Narinig ang malakas na putukan ng mga baril malapit sa palasyo ng Haiti sa Port-au-Prince, ayon sa ahensya ng balita na EFE.


Ito ay naganap sa gitna ng politikal na pagkakagulo dulot ng pagkawala ni Punong Ministro Ariel Henry.


Matatandaang ang Haiti ay nasa isang estado ng krisis nu'ng nakaraang Linggo matapos na sumalakay ang mga armadong gangs na pumatay ng libu-libong bilanggo.


Umabot na rin sa higit 10,000 katao ang nawalan ng tirahan habang si Henry ay nasa Kenya upang humanap ng saklolo mula sa pandaigdigang puwersa laban sa mga gangs sa kanyang bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page