top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 13, 2024




Inatake ng mga pirata ang isang malaking cargo ship mula sa Bangladesh, malapit sa baybayin ng Somalia.


Binihag ng mga pirata ang 23 crew members ng barkong MV Abdullah.


May dala ang barko ng 55,000 toneladang uling mula sa kabisera ng Mozambique na Maputo, patungo sa United Arab Emirates nang atakihin ito noong Martes.


Kinumpirma ng maritime security firm na Ambrey na isang grupo ng armadong tao ang kumuha ng kontrol sa barko.


Nangyari ang pag-atake sa Indian Ocean, na 1,111km sa silangan ng kabisera ng Somalia na Mogadishu, ayon sa Ambrey.


Pinayuhan ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) ang iba pang mga sasakyang pandagat sa lugar na maging maingat at sinabi nilang iniimbestigahan nila ang pangyayari.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 11, 2024




Nasugatan ang hindi bababa sa 50 katao nang biglang bumagsak ang Boeing 787 na pinamamahalaan ng LATAM Airlines (LTM.SN) mula Sydney patungong Auckland nitong Lunes, ayon sa airline.


Nakaranas ang eroplano ng malakas na pagyanig na nagresulta sa 10 pasahero at tatlong kawani ng cabin crew na madala sa isang ospital, pagbabahagi ng South American carrier habang iniimbestigahan ang sanhi ng pangyayari.


Nag-land ang nasabing flight na may 263 pasahero at siyam na kawani ng cabin crew sa Auckland airport base sa oras ng takdang pagdating nu'ng Lunes ng hapon.


Isa ang nasa kritikal na kalagayan habang ang iba ay sugatan, saad ng tagapagsalita ng Hato Hone St John, na gumamot sa halos 50 katao sa paliparan.


Samantala, hindi agad natukoy ang dahilan ng tila biglaang pagbabago ng trajectory ng LATAM 800.


Sinasabi ng mga safety experts na karamihan sa mga aksidente sa eroplano ay sanhi ng pinaghalo-halong mga rason na kailangang aralin mabuti.



 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 12, 2024




Sinabi ni Secretary of State Antony Blinken noong Lunes na magbibigay ang United States ng $300 milyong ayuda upang suportahan ang multinational security mission sa Haiti na pinamumunuan ng Kenya, sa kabila ng lumalalang kalagayan doon.


“I’m announcing today that the United States Department of Defense is doubling its approved support for the mission from $100 million to $200 million. And that brings the total US support to $300 million for this effort,” sabi ni Blinken sa 'conclusion of a meeting of Caribbean states' (CARICOM) sa kabisera ng Jamaica, Kingston.


Hindi pa malinaw kung kailan ilulunsad ang security mission. Sinabi ng Interior Minister ng Kenya na si Kithure Kindiki, na kasalukuyang nasa yugto ng pre-deployment ang mga tropa nila.


Gusto ng mga opisyal ng United States na bilisan ang pagpapadala ng puwersa upang maayos ang lumalalang sitwasyon sa Haiti.


Nagdeklara na ng state of emergency sa Haiti matapos magkaroon ng karahasan sa kabisera nito na Port-au-Prince dahil sa mga organisadong pag-atake ng mga armadong grupo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page