top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 14, 2024




Ibinida ng North Korean leader na si Kim Jong Un ang kanilang bagong battle tank sa isang military demonstration nitong Huwebes.


Ito ay upang ipakita ang mas pinaigting na lakas ng estado habang patapos na ang joint drills ng South Korea at United States.


Ayon sa Korean Central News Agency, masaya si Kim sa bagong battle tank dahil matagumpay ito sa naging unang paggamit nu'ng Miyerkules.


Base sa mga ulat, ang nasabing military demonstration o training match ay idinisenyo upang suriin ang kakayahan ng tanke at maging pamilyar sa labanan para sa iba't ibang tactical missions.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 14, 2024




KADUNA, Nigeria — Humingi ng malaking halaga ng ransom ang mga armadong lalaki na bumihag sa 287 estudyante sa Nigeria.


Sinabi ng lokal na residente noong Miyerkules na gusto ng mga kidnappers ng isang bilyong naira ($621,848) o papatayin nila ang mga estudyante na kinidnap noong Marso 7 sa bayan ng Kuriga.


Nasabi rin na naghihiganti ang grupo laban sa pamahalaan at mga ahensyang pangseguridad dahil sa pagpatay sa ilang mga miyembro ng kanilang gang.


Noong Miyerkules, sinabi naman ni Mohammed Idris, ang ministro ng impormasyon ng bansa, sa mga mamamahayag na naniniwala si President Bola Tinubu na dapat palayain ng mga pwersa ng seguridad ang mga bihag sa Kuriga nang hindi binabayaran ang mga kidnapper.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 13, 2024




Nagbabala si Pangulong Vladimir Putin sa West nitong Miyerkules na handa na ang Russia para sa isang nuclear na digmaan at lalala ang digmaan kung magpapadala ang United States ng militar sa Ukraine.


Nagsalita si Putin ilang araw bago ang eleksyon sa Marso 15-17 na tiyak na magbibigay sa kanya ng panibagong anim na taon sa puwesto.


Ayon kay Putin, hindi niya nakikita ang pangangailangan ng Ukraine na gumamit ng nuclear weapon.


Nilinaw naman ni Putin na handa sila sa nasabing digmaan kung mangyari man ito.


Nauunawaan naman daw ng bansang U.S. na kung magde-deploy ito ng mga militar na Amerikano sa teritoryo ng Russia - o sa Ukraine - ituturing ito ng kanilang bansa bilang isang interbensyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page