top of page
Search
  • BULGAR
  • Mar 23, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024




Nagpahayag ang Prinsesa ng Wales na si Catherine o mas kilala bilang Kate nitong Biyernes na siya ay nasa ‘early stages’ ng gamutan dahil sa cancer.


Sa isang video statement, sinabi ni Kate na ikinagulat nila ang balita matapos ang ilang buwan niyang paghihirap.


Positibo naman ang prinsesa sa kanyang naging mensahe.


Saad ni Kate "I am well and getting stronger every day."


Hindi naman isinapubliko ang detalye ng sakit ng prinsesa ngunit siniguro ng Kensington Palace na magkakaroon ito ng full recovery.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 22, 2024




Namatay ang isang gang leader sa Haiti sa kasagsagan ng mga pag-atake sa kabisera ng bansa na Port-au-Prince, noong Huwebes.


Nagresulta ang mga operasyon ng pulisya sa pagkamatay ng gang leader ng Delmas 95 na si Ernst Julme, aka Ti Greg.


Itinuturing na pagkabigo ang pagkamatay ni Julme, isang miyembro ng alyansa ni Jimmy 'Barbeque' Cherizier na ‘Viv Ansanm,’ kaya’t nag-udyok lalo ito sa mga gang na kontrolin ang mas maraming bahagi ng lungsod.


Kamakailan lamang, naiulat na tumakas si Julme mula sa pinakamalaking bilangguan sa Haiti sa gitna ng isang malakihang pagtakas ng mga preso mula sa kulungan.


Sa loob ng tatlong linggo, naiipit ang kabisera ng bansa sa isang marahas na siklo ng karahasan ng mga gang.


Isang rebeldeng grupo ng mga pinakamalakas na mga armadong indibidwal ang nagpapatuloy sa digmaan laban mismo sa lungsod, na naglalayon ng bagong teritoryo at pag-atake sa mga pulis at institusyong pang-estado.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 22, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024




Dumalaw si Tim Cook sa China kasabay ng pagbubukas ng isang Apple store sa Shanghai — ang pangalawa sa pinakamalaking branch nito sa buong mundo.


Bahagi ito ng pagsisikap ng kumpanya upang suriin at subukang baguhin ang pagbaba ng mga benta ng iPhone sa isa sa pinakamahalagang pandaigdigang merkado.


Ang nasabing Apple store ay nagkakahalaga ng umaabot sa P650-milyon — makikita ito sa sentral na distrito ng Jing'an sa Shanghai.


“Nonghao, Shanghai!” saad ng Apple CEO na si Cook sa isang Weibo post.


Dagdag niya, “I’m always so happy to be back in this remarkable city.”


Sa kanyang post, tila sinusubukan niyang maengganyo ang mga lokal na mamamayan ng China matapos ibida na kumain siya ng isang traditional na pagkain para sa breakfast.


Sa kasalukuyan, may 8 na Apple store ngayon sa Shanghai na pinakamarami kumpara sa kahit saang lungsod ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page