top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 26, 2024




Natagpuang patay dahil sa pamamaril ang pinakabatang mayor ng Ecuador na si Brigitte Garcia, ayon sa national police ng kanilang bansa.


Sa isang pahayag sa X, sinabi ng pulisya na ang 27-anyos na mayor ng San Vicente, isang maliit na bayan sa baybayin, ay nakita sa isang rental car kasama ang kanyang communications director na kinilalang si Jairo Loor, na namatay din dahil sa tama ng bala.


Lumabas sa imbestigasyon na tila mula sa loob ng sasakyan nanggaling ang mga putok ng baril.


Kinumpirma naman ng mga pulisya na magsasagawa sila ng mas malalim na imbestigasyon.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 26, 2024




Nananatiling nasa ilalim ng 'tornado watch' ang Mississippi hanggang 2 ng madaling-araw nitong Martes.


Kasalukuyang sinasalanta ng mga bagyo estado, na nagdudulot ng matinding pag-ulan at pinsala ng hangin. Maaaring magkaroon ng ulan na umaabot mula 1 hanggang 3 pulgada sa maikling panahon, at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagbaha sa mga lugar.


Dahil sa malakas na puwersa ng hangin, posibleng magkaroon ng mga buhawi na dadami pa sa loob ng mga bagyong ito.


Inaasahang matatapos ang masamang panahon sa hatinggabi ng Martes.


Noong Marso 24 ng nakaraang taon, matatandaang kinumpirma ng Federal Emergency Management Agency na 25 katao ang namatay sa Mississippi habang 55 iba pa ang nasugatan matapos ang isang malakas na buhawi ang sumalanta sa lugar, na nagdulot ng pinsala o pagkasira sa humigit-kumulang na 2,000 na tahanan.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 25, 2024




Kailangang maglaan ng social media platform na Reddit (RDDT.N) ng malaking halaga para sa pagsusuri ng nilalaman ng kanilang application, ayon sa mga analyst.


Maaaring harapin ng nasabing kumpanya ang mas malalim na pag-iimbestiga na banta sa matagal nang patakaran nitong umasa sa mga netizens o volunteers upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang plataporma.


Sa kanilang unang alokasyon ng initial public offering (IPO), binalaan ang Reddit na ang kanilang natatanging paraan ng content moderation ay maaaring magdulot sa kanila ng mga pagsubok tulad nu'ng taong 2023, nang ilang moderator ang nagprotesta laban sa kanilang desisyon na singilin ang mga developer ng third-party app para sa access sa kanilang data.


Nagpahayag naman ang CEO ng alternative investment solutions firm Accelerate Financial Technologies na si Julian Klymochko na hindi pangmatagalan ang pagdepende sa mga netizens o volunteers lalo na't sa panahon ng pagsusuri ng regulasyon na haharapin ng kumpanya sa kasalukuyan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page