top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 6, 2024





Nadiskubre ng pamahalaan ng Liberia na may higit sa 40,000 ilegal na kawani ng gobyerno sa kanilang sistema.


Sinabi ni Josiah Joekai, ang director-general of the Civil Service Agency (CSA), sa BBC na maling naipasok o hindi man lamang naipasok ang mga detalye ng mga kawani sa Personnel Action Notice (Pan).


Isang requirement na proseso ang Pan para sa pagtatrabaho.


Ayon kay Joekai, mayroong hindi bababa sa 70,000 na empleyado ng gobyerno sa Liberia at higit sa 50% ang kasalukuyang ilegal dahil hindi sila sumailalim sa proseso ng Pan.


Sinabi ng pinuno ng CSA na dahil hindi maaaring panagutin ang mga manggagawang ito, ibinibigay nila sa kanila ang isang grace period na 90 araw upang maayos na magparehistro.


Tuluyan namang matatanggal sa trabaho ang mga hindi makukumpleto ang proseso.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 6, 2024




Kanselado ang matagal nang ipinangakong murang sasakyan ng Tesla, ayon sa mga source ng Reuters.


Magpapatuloy pa rin ang nasabing automaker sa pag-develop ng self-driving robotaxis sa parehas at maliit na platform ng sasakyan.


Matatandaang madalas na tinutukoy ni Elon Musk, ang punong tagapagpaganap ng Tesla, na maglalabas sila ng mga abot-kayang electric cars na para sa masa.


Ito ang kanyang unang "master plan" para sa kumpanya nu'ng 2006 ay nagtakda na unahin ang paggawa ng mga mamahaling modelo, pagkatapos gamitin ang kita upang pondohan ang mganmurang sasakyang pampamilya.


Samantala, nakikita ng publikong pag-abandona sa pangako ang naging desisyon ng Tesla na kanselahin ang kanilang planong murang sasakyan.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 5, 2024




Nag-ulat ang BlackBerry ng Canada ng kanilang ‘surprise profit’ sa ika-apat na quarter dahil sa mas mataas na demand para sa kanilang serbisyong cybersecurity sa gitna ng lumalaking krimen online.


Umakyat na sa 6.4% ang mga bahagi ng kumpanya na nakatala sa United States matapos ang sesyon.


Iniulat din ng kumpanya ang isang nababagong net profit na 3 sentimo bawat share para sa quarter na natapos nu'ng Pebrero 29, kumpara sa average na pagtaya ng mga analyst na pagkalugi na 3 sentimo, ayon sa datos ng LSEG.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page