top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 15, 20244




Muling binira ng dating Presidenteng si Donald Trump ang kanyang dating abogado na si Michael Cohen sa gitna ng hinaharap na gag order na nagbabawal sa kanyang magsalita sa publiko tungkol sa mga saksi sa kanyang paparating na paglilitis sa New York.


"Has disgraced attorney and felon Michael Cohen been prosecuted for LYING? Only TRUMP people get prosecuted by this Judge and these thugs!" saad ni Trump sa platform na Truth Social.


Inaasahang magiging pangunahing saksi si Cohen para sa prosecution sa paglilitis ng dating pangulo ng United States.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 14, 2024




Daan-daang tao ang nagprotesta sa kabisera ng Niger, isang bansa sa West Africa, noong Sabado, upang ipaglaban ang pag-alis ng mga American troops habang binabago ng military junta ang kanilang mga patakaran.


Tumigil ang mga pinuno ng bansa sa pakikipagtulungan sa U.S. military at sa halip, humingi ng tulong sa mga Russian trainers.


Isang handwritten sign sa English ang may nakasaad na "USA rush out of Niger," bilang suporta sa junta at sa kanilang desisyon noong kalagitnaan ng Marso na bawiin ang isang kasunduan na nagpapahintulot sa halos 1,000 kasapi ng U.S. military na mag-operate sa teritoryo nito.


Gayunpaman, hindi pa rin malinaw kung kailan o kung tuluyan bang aalis ang mga American troops.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 14, 20244




Nagsagawa ang Iran ng pag-atake sa Israel sa pamamagitan ng paggamit ng mga explosive drones at missiles.


Ito ang unang direktang pag-atake ng Iran sa kalabang teritoryo, na posibleng magpataas pa ng tensyon sa mga magkakalabang bansa habang nagbibigay suporta ang United States sa Israel.


Nagpahayag ang ilang journalists ng Reuters sa Israel na narinig nila ang malayong tunog ng malakas na pag-atake.


Samantala, mahigit 100 na mga drones ang inilunsad ng Iran, at ilan sa mga ito ay pinaputukan na ng hukbo ng US.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page