top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 8, 2024



Photo: OFWs sa Syria - Philippine Embassy in Syria


Hinimok ang mga Pilipino sa Syria na panatilihin ang ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Damascus dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.


"We express concern regarding the situation of our Filipinos in Syria and advise them to take the necessary precautions and stay in contact with the Philippine Embassy in Damascus," pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Linggo.


"The Department of Foreign Affairs continues to monitor, with concern, ongoing developments in Syria," dagdag pa nito.


Sa ngalan ng Pilipinas, nanawagan din ito sa mga kinauukulang panig na maging mahinahon at umiwas sa karagdagang karahasan upang mapigilan ang mas maraming biktima at pagkamatay ng mga sibilyan.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 1, 2024



Photo: Ang pag-search ng mga Red Cross workers matapos ang landslide sa Uganda - Irene Nakasiita / Associated Press


Umabot na sa 20 ang bilang ng nasawi sa mapaminsalang landslide sa Bulambuli district, silangang Uganda, nitong Biyernes matapos makarekober ng mas maraming bangkay at mamatay ang isang sugatang biktima sa ospital, ayon sa mga ulat.


Nagdulot ang malalakas na pag-ulan noong Miyerkules ng gabi ng landslide na sumira sa anim na baryo, naglubog sa mga bahay at sakahan.


Iniulat ng Uganda Red Cross na 125 na mga bahay ang nasira, na nagresulta sa paglikas ng 750 katao. Sa mga ito, 216 ang pansamantalang nanunuluyan sa isang lokal na paaralan.


Patuloy ang paghahanap ng mga otoridad, kasama ang mga sundalo, sa mga bangkay na natabunan ng debris, ngunit nahihirapan ang operasyon dahil sa patuloy na pag-ulan at putik na sumasakop sa mga kalsada.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Nov. 26, 2024



Photo: Sina United States (US) Pres. Joe Biden at French Pres. Emmanuel Macron - File-Jim Watson / The Associated Press


Inaasahan si United States (US) Pres. Joe Biden at French Pres. Emmanuel Macron na mag-anunsyo ng ceasefire sa pagitan ng Hezbollah at Israel sa lalong madaling panahon, ayon sa apat na matataas na opisyal ng Lebanon.


Nagpahayag si White House national security spokesperson John Kirby sa Washington, na malapit na ngunit nilinaw na hindi pa tapos ang pag-uusap ukol sa ceasefire.


Ayon naman sa French presidency, malaki na ang naging progreso ng mga pag-uusap tungkol sa tigil-putukan.


Samantala, isang mataas na opisyal mula sa Israel ang nagsabi na magpupulong ang gabinete ng Israel ngayong Martes, upang aprubahan ang kasunduan sa ceasefire.


Gayunman, kahit may mga senyales ng diplomatic breakthrough, patuloy pa rin ang malalakas na airstrike ng Israel sa mga suburb ng Beirut na kontrolado ng Hezbollah, bilang bahagi ng kanilang pag-atake na sinimulan nu'ng Setyembre kasunod ng halos isang taon ng mga labanan sa mga borders.


Tumanggi naman ang opisina ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na magkomento ukol sa mga ulat na nagsasabing sinang-ayunan na ng parehong Israel at Lebanon ang nilalaman ng kasunduan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page