top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 17, 2024




KURGAN, RUSSIA — Iniulat ng state news agency na RIA na lumagpas na sa "dangerous level" ang antas ng tubig sa Tobol River nitong Miyerkules.


Iniulat ng RIA na sa loob ng 24 oras hanggang Miyerkules ng umaga, tumaas ng 123 cms (apat na talampakan) ang antas ng ilog sa lungsod, na sentro ng mas malawak na rehiyon ng Kurgan malapit sa Tobol River at sa hangganan ng Kazakhstan. Umabot ang kabuuang lebel sa 865 cms (28 talampakan).


Mahigit sa 600 residential houses ang binaha sa rehiyon nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa RIA.


Itinuturing naman ang mabilis na pagkatunaw ng niyebe bilang sanhi ng sakuna.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 17, 20244




Tinitingnan ng Oversight Board ng Meta Platforms ang paraan ng paghawak ng kumpanya sa dalawang “sexually explicit” na mga larawang gawa ng artificial intelligence (AI) ng mga kilalang artista na kumalat sa mga social media platforms na Facebook at Instagram, ayon sa pahayag ng board.


Nagpahayag sa isang blog post ang board na pinopondohan ng social media giant, na kanilang gagamitin ang dalawang halimbawa ng mga sensitibong larawan upang suriin ang kabuuang pagpapatupad ng mga patakaran at seguridad ng Meta tungkol sa pornograpiya at mga pekeng larawang nabuo gamit ang AI.


Nagbigay din ang board ng mga deskripsyon ng mga larawan ngunit hindi nagbanggit ng mga pangalan ng mga kilalang babae na kanilang sinusuri upang pigilan ang karagdagang pinsalang dala nito.


Ang mga pagbabago sa teknolohiya ng AI ay ang kakayahang bumuo ng mga pekeng larawan, audio clips, at mga video na halos hindi nalalayo mula sa tunay na tao, na nagreresulta sa pagdami ng mga malaswa at pekeng contents na kumakalat online, na bumibiktima sa mga kababaihan at mga batang babae.


Isa sa maugong na kaso nu'ng unang bahagi ng taon ay ang pansamantalang panghaharang ng social media platform na pag-aari ni Elon Musk, ang X, sa mga gumagamit ng platform para sa paghahanap ng peke at malalaswang larawan ng U.S. pop star na si Taylor Swift matapos magkaroon ng pagsubok sa pagtigill sa pagkalat nito.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 16, 20244




Pinalaya ng Israel ang 150 Palestino na na-detain sa kanilang mga operasyong militar laban sa Gaza nu'ng Lunes, at marami sa kanila ang kumantang naabuso sila habang sila ay nakakulong, ayon sa mga opisyal sa border ng Palestine.


Nilinaw ng mga opisyal sa border na ang mga nakalayang bihag, kasama ang dalawang miyembro ng Palestine Red Crescent Society (PRCS) na na-detain ng 50 araw, ay pinalaya sa pamamagitan ng Israeli-controlled na Kerem Shalom crossing sa timog ng Gaza nu'ng Lunes.


Sinabi ng ilan sa dating bihag na sa dinala sa mga ospital, na sila ay naabuso at pinagmalupitan sa loob ng mga bilangguan ng Israel na agad itinanggi ng militar ng nasabing bansa.


Marami rin sa mga napalaya ang nagsalita na sila ay tinanong kung may koneksyon sila sa militanteng grupo na Hamas, na namamahala sa Gaza.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page