top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 19, 2024




Nagpapakita ang isang bagong pananaliksik na lumulubog ang lupa sa mga pangunahing lungsod sa China, na naglalagay sa mga baybaying lugar sa mas mataas na panganib ng pagbaha at pagtaas ng antas ng dagat.


Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa journal Science noong Huwebes, lumulubog ang halos kalahati ng mga lungsod sa China kung saan naninirahan ang 29% ng populasyon, sa isang antas na mas mabilis sa 3 millimetro (halos 0.12 pulgada) bawat taon. Ibig sabihin nito, 270 milyong tao ang naninirahan sa mga lugar kung saan lumulubog ang lupa.


Ikinokonekta ang paglubog ng lupa sa labis na pagkuha ng groundwater. Kinukuha ang tubig ng mga lungsod sa ilalim ng lupa ng mas mabilis kaysa sa pagpapalit nito, na lalong pinalubha ng mga tagtuyot dulot ng pagbabago ng klima. Nagdudulot ang labis na pagkuha ng tubig ng pagpapababa ng antas nito, na nagdudulot ng pagbaba ng lupa.


Bukod dito, lumulubog ang lupa dahil mismo sa lumalalang bigat ng mga lungsod.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 18, 2024




Inaresto ang anim na indibidwal dahil sa multi-milyong dolyar na pagnanakaw ng ginto noong nakaraang taon sa Pearson International Airport ng Toronto, ayon sa pulisya sa Canada at US noong Miyerkules.


Naglabas din ng warrant of arrest ang pulisya para sa tatlong iba pa sa kanilang tinatawag na "inside job." Sinampahan ang siyam na suspek ng mahigit sa 19 kaso.


Noong ika-17 ng Abril, 2023, ayon sa pulisya, ninakaw ang isang cargo container na hinihinalang naglalaman ng higit sa 22 milyong dolyar ng mga ginto at pera ng Canada.


Ayon sa pulisya, hindi bababa sa dalawang dating empleyado ng Air Canada ang umano'y tumulong sa pagnanakaw.


Sa ngayon, sinabi ng mga opisyal sa Canada at US na patuloy ang imbestigasyon at kakaunti pa lamang sa mga ninakaw na ginto at salapi ang narekober.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 18, 20244




Hindi pa rin suportado ng mga Arizona Republicans ang inihihirit ng mga Democrats na alisin ang batas na nagsimula nu'ng 1864 na nagbabawal sa abortion.


Ito ay matapos nagkasalubong ang kapulungan sa 30-30 sa isang procedural motion na nagbibigay-daan sa isang panukalang batas na tuluyang alisin ang pagbabawal sa abortion.


Kinakailanga ang isa pang karagdagang boto mula sa isang Republican upang maging posible ang botohan sa pagtanggal ng nasabing batas na binuo nu'ng hindi pa ganap na estado ang Arizona at wala pang karapatan sa boto ang mga kababaihan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page