top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 24, 2024




MADRID, Spain - Lalong inudyukan ng makakaliwang panig ng Spain ang Simbahang Katoliko na magbigay ng kompensasyon sa mga biktima ng seksuwal na pang-aabuso na nangyari sa kanilang pangangalaga.


Anim na buwan na ang nakalipas, isang opisyal na ulat ang unang nagtantiya na higit sa 400,000 na indibidwal ang nagdanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa mga klerigo at iba pang mga tauhan ng Simbahan — kaya’t inirekomenda ang isang pondo para sa kompensasyon, ngunit tumanggi ito na magbigay ng kontribusyon.


Bukod dito, higit sa 200,000 na menor de edad ang naabuso sa bansa ng mga tauhan ng Simbahang Katoliko mula noong 1940, ayon sa ulat ng ombudsman.


Sa pinakabagong tala noong Marso 2, ipinakita nito na mayroong bilang na 1,057 na rehistradong kaso ng seksuwal na pang-aabuso, kung saan 358 lamang ang napatunayan o maaaring totoo, habang nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang iba pang 60.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 23, 2024




Hinuli ng pulisya ang daan-daang protestante na pabor sa mga Palestinians sa Yale University Connecticut at sa New York (NY) University sa Manhattan.


Ito ay naganap dahil sa patuloy at naglalakbay na epekto ng ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza sa mga unibersidad sa United States (US).


Ang ginawang paghuli ng mga pulisya sa mga protestante ay kasunod ng pagkansela ng Columbia University sa kanilang mga face-to-face classes nu'ng Lunes bilang tugon sa sa mga protesta sa loob ng kanilang campus sa NYC nu'ng nakaraang linggo.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 23, 2024




KUALA LUMPUR — Namatay ang sampung katao nitong Martes matapos magbanggaan ang dalawang mga helicopter sa ere habang nagsasagawa ng rehearsal para sa isang Royal Malaysian Navy parade.


Inihayag ng hukbo na kabilang ang sampung nasawi sa mga tauhan sa sasakyang panghimpapawid na sangkot sa insidente. Nangyari ito alas 9:32 ng umaga noong Martes sa "naval base" sa Lumut sa kanlurang estado ng Perak.


"All victims were confirmed dead at the scene and sent to the Lumut army base hospital for identification," pahayag ng hukbo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page