top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 26, 2024




Nakatakas mula sa bilangguan ang hindi bababa sa 118 preso matapos ang malakas na pag-ulan noong Miyerkules ng gabi na nagdulot ng pinsala sa pasilidad sa Suleja malapit sa kapital ng Nigeria, ayon sa tagapagsalita ng prison service.


Nagdulot ng pinsala sa ilang bahagi ng medium-security prison ang pag-ulan na tumagal ng ilang oras, kabilang ang perimeter wall at mga paligid ng gusali, pahayag ng tagapagsalita na si Adamu Duza.


Pinaghahanap na ng service agents ang mga tumakas at sa kasalukuyan, nagawa nilang maibalik sa kustodiya ang sampu sa kanila.


Gayunpaman, ibinahagi ni Duza na nagsisikap sila upang modernisahin ang kanilang mga bilangguan, kabilang ang pagtatayo ng anim na pasilidad na may kapasidad na 3,000 at ang pagpapabuti ng mga kasalukuyang pasilidad.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 25, 2024



File photo

Lumabas sa bagong datos ng Meta Platforms na mas mataas ang kanilang ginastos sa artificial intelligence (AI) kumpara sa inaasahang kikitain nito.


Nabawasan ng umaabot sa $200-bilyon ang halaga ng AI sa merkado na nakadagdag sa takot na mas mabilis ang pagtaas ng gastos dito kumpara sa makukuhang benepisyo.


Samantala, ang mga shares ng Facebook at Instagram ay bumagsak ng 15% sa extended trading matapos ang ulat, na nagresulta sa pagbagsak ng market capitalization nito sa humigit-kumulang $1-trilyon.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 25, 2024




DUBAI, United Arab Emirates - Inanunsiyo ng United Arab Emirates na maglalaan sila ng $544 milyon para sa pag-aayos ng mga tahanan ng mga pamilyang Emirati noong Miyerkules, matapos ang naitala na pag-ulan noong nakaraang linggo na nagdulot ng malawakang pagbaha at iba pang pinsala.


"We learned great lessons in dealing with severe rains," ani Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid al-Maktoum matapos ang isang pulong ng gabinete, at idinagdag na inaprubahan ng mga ministro ang dalawang bilyong dirham upang tugunan ang pinsala sa mga tahanan ng mga mamamayan.


Inilabas ang pahayag noong Miyerkules, mahigit isang linggo matapos ang hindi inaasahang pagbaha na sumalanta sa disyerto, na halos ginawang ilog ang mga kalsada, at umabala sa paliparan ng Dubai.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page