top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 27, 2024



File photo

Sinabi ng U.S. Air Force na nagkaloob sila ng kontrata na nagkakahalaga ng $13-bilyon sa Sierra Nevada Corp. upang bumuo ng magtutuloy sa E-4B, na kilala bilang Doomsday plane dahil sa kakayahan nitong mabuhay sa gitna ng digmaang nuclear.


Nagpahayag ang tagapagsalita ng Air Force na ang proyektong Survivable Airborne Operations Center (SAOC) ay layong palitan ang matatanda o lumang eroplano mula dekada ng 1970.


Inaasahang matatapos sa 2036 ang trabaho sa SAOC na gagawin sa Colorado, Nevada, at Ohio.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 27, 2024




Niyanig ng dalawang lindol ang eastern county ng Hualien sa Taiwan nitong Sabado, at naitalang may 6.1 magnitude ang pinakamalakas ngunit walang agarang ulat ng pinsala, ayon sa weather administration ng isla.


Mayroong 24.9 km (15.5 miles) na lalim ang unang lindol at tumama malapit sa Hualien coast, habang naitala naman ang 18.9 km (11.7 miles) na lalim ng pangalawang lindol sa parehong lokasyon at may 5.8 magnitude.


Sa bandang simula ng kasalukuyang buwan, naramdaman ang 1,000 na mga aftershocks sa Taiwan matapos ang pagtama ng lindol na may 7.2 magnitude, na pumatay sa 17 katao.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 26, 2024



File photo

Kinakalbo ng ilang magsasaka ang mga kagubatan sa Liberia upang mabuo ang plantasyon nila ng cacao at magpalusot ng mga beans sa kalapit na Ivory Coast, na umaapak sa sinusulong na batas ng Europa (EU) na pumipigil sa deforestation.


Matatandaang isang batas na pinagtibay ng European Union na nakatakdang ipatupad sa dulo ng taong 2024 ang may layong pigilan ang mga agrikultural na pangangailangang may koneksyon sa deforestation sa buong mundo na pumasok sa merkado ng EU.


Samantala, nakatuon ang mga pagsisikap sa pagsusuri ng mga supply chain sa pangunahing mga bansang nag-e-export ng cacao, natuklasan ng Ivorian forest conservation group na IDEF na ang mga magsasaka mula sa Ivory Coast ay lumilipat patungo sa border ng Liberia para maghanap ng lupain.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page