top of page
Search

ni Angela Fernando @News | April 29, 2024




Dumating sa Beijing, China nu'ng Linggo ang CEO ng Tesla na si Elon Musk upang suriin at talakayin ang pagpapalabas ng Full Self-Driving (FSD) software at pahintulot na ilipat ang data overseas.


Iniulat ng Chinese state media na nakipagtagpo ang Tesla CEO kay Premier Li Qiang, kung saan sinabi ni Li kay Musk na ang pag-unlad ng Tesla sa China ay maaaring ituring bilang isang matagumpay na halimbawa ng ekonomiko at pangkalakalang kooperasyon kasama ang United States.


"Honored to meet with Premier Li Qiang. We have known each other now for many years, since early Shanghai days," saad ni Musk sa isang post sa 'X.'


Matatandaang nakipagkasundo rin ang Tesla sa mga awtoridad sa China para sa isang pabrika sa Shanghai, ang unang pabrika nito sa labas ng US nu'ng 2018.

 
 
  • BULGAR
  • Apr 28, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 28, 2024




Nasawi ang limang katao nang tumama ang isang buhawi sa lungsod ng Guangzhou sa timog ng China, ayon sa state news agency na Xinhua noong Sabado.


Bukod dito, mayroon pang 33 na nasaktan.


Tumama naman ang buhawi sa distrito ng Baiyun sa lungsod noong Sabado ng tanghali, at nakapinsala ito ng 141 na factory buildings.


Matatandaang tinamaan ng matinding buhawi ang Jiangsu sa China noong nakaraang taon, na nagdulot sa pagkasawi ng 10 katao.


 
 

ni Angela Fernando @News | April 28, 2024




Pinasa ng Iraq ang isang batas na nagpaparusa sa mga nasa same-sex relationships na maaaring makulong hanggang 15-taon sa bilangguan nu'ng Sabado.


Isa sa sinasabing hakbang ng batas ay itaguyod ang mga religious values ngunit mariin itong kinondena ng mga humanitarian rights advocates dahil direktang atake ito sa komunidad ng LGBT sa Iraq.


Layon ng batas na protektahan ang lipunan ng Iraq mula sa ‘kawalan ng moral at ang mga panawagan para sa homosexuality na laganap sa mundo,' ayon sa kopya ng batas na sinuri ng Reuters.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page