top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 1, 2024


Hinatulan ng hukom na si Justice Juan Merchan, humahawak sa kaso ng dating United States President na si Donald Trump, ng multang higit sa P500-k nu'ng Martes.


Binalaan din ni Merchan si Trump na maaari pa rin itong makulong kung magpapatuloy siyang labagin ang gag order na kanyang hinaharap.


Pahayag ni Merchan, hindi sapat ang multa para pigilan ang mayamang negosyante at politiko ngunit wala siyang kapangyarihan para magpataw ng mas mataas na kaso.


Matatandaang hinatulan ni Merchan ng gag order ang politiko upang pigilan itong tumbukin ang mga testigo at iba pang sangkot sa kaso nito.

 
 

ni Angela Fernando @News | April 30, 2024


Nagsimula ang Columbia University nu'ng Lunes sa pagsuspinde sa mga aktibistang pro-Palestinians na tumangging kumalas sa isang encampment ng mga tolda sa loob ng kanilang campus sa New York matapos ideklara ng paaralan mula sa Ivy League ang isang pahayag na may layong wakasan ang mga protesta.


Sa isang pahayag, sinabi ni University President Nemat Minouche Shafik na ang pag-uusap sa pagitan ng mga estudyante na nag-organisa at ng mga lider sa paaralan ay nabigong kumbinsihin ang mga demonstrador na bawasan ang mga toldang kanilang itinayo upang ipahayag ang pagtutol sa patuloy na panggigipit ng Israel sa Gaza.


Magugunitang nagpadala ang nasabing unibersidad ng babala sa mga nagpoprotesta na ang mga mag-aaral na hindi umalis sa encampment bago 2:00 pm sa Eastern Time (1800 GMT) at pumirma ng isang kasunduang kinikilala ang kanilang partisipasyon sa protesta ay haharap sa suspension at hindi maaaring tapusin ang kanilang semester na may mataas na pagkilala.

 
 
  • BULGAR
  • Apr 29, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @Overseas | April 29, 2024





Iniulat ng Citizen Television ngayong Lunes na hindi bababa sa 20 katao ang namatay sa pagbaha sa Mai Mahiu sa gitna ng Kenya, base sa pahayag ng pulisya.


Nagdadala ang pinakabagong mga pagkamatay sa bilang ng humigit-kumulang na 100 mula pa noong nakaraang buwan. Ayon sa mga datos ng pamahalaan, may 76 katao ang namatay at mahigit sa 131,000 ang lumikas hanggang Sabado.


Nakawasak ang mga pagbaha ng mga kalsada at tulay sa buong Kenya.


Sinalanta ang Silangang Africa ng maraming pagbaha sa tag-ulan noong huling bahagi ng 2023. Ipinaliwanag naman ng mga scientists na climate change ang nagdudulot ng mas matinding mga sakuna gaya ng pagbaha at pag-ulan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page