top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 3, 2024


Nakakaranas ng lumalalang karahasan ang mga environmental journalists mula sa mga pamahalaan ng buong mundo at iba pang pribadong indibidwal, ayon sa UNESCO.

Binigyang-diin din nilang umaabot sa 44 na mga mamamahayag ang nasawi mula 2009 hanggang 2023 dahil dito.


Higit sa 70% ng 905 mamamahayag na sinuri ng ahensya sa 129 bansa ang nagsabing sila ay nakakatanggap ng pag-atake, banta, pinipilit, at ang karahasang natatanggap nila ay lumalala.


May halos 305 na pag-atake na ang naiulat sa huling nagdaang limang taon.

Samantala, umaabot sa 749 na mga mamamahayag, grupo ng mga journalists, at media outlet ang inatake sa 89 na bansa sa lahat ng rehiyon, na pinangungunahan ng pamahalaan, pribadong mga sektor at mga indibidwal.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 2, 2024




Nasawi ang sampung katao at 21 ang nawawala dahil sa matinding pag-ulan sa timog na estado ng Rio Grande do Sul, Brazil, ayon sa lokal na pamahalaan.


"We are experiencing in Rio Grande do Sul the worst moment, the worst disaster in our history. It is absolutely, absurdly, extraordinarily serious what is happening in Rio Grande do Sul right now. And unfortunately, it will get worse," pahayag ng gobernador ng estado na si Eduardo Leite.


Sa kasalukuyan, naitala ng mga otoridad ang higit sa 3,400 na taong lumikas matapos ang mga bagyo na nagdulot ng pagtaas ng antas ng ilog at baha sa iba't ibang bahagi ng estado, na nakakaapekto sa 114 na munisipalidad.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 2, 2024


Mataas ang kinita ng Cognizant Technology Solutions kumpara sa inaasahang kita ng Wall Street para sa unang quarter ng taon, dahil sa tulong ng patuloy na paggastos ng mga kliyente, na nagpadala ng kanilang mga shares na tumaas ng higit sa 4% sa aftermarket trading.


Matapos na lumabas na may mataas na posibilidad na mapabuti ang mga negosyo at inaasahang pagbaba ng interes, naudyok ang maraming kliyente na mamuhunan pa sa teknolohiya at consulting services na nakakatulong sa mga kumpanyang katulad ng Cognizant.


Ayon sa Cognizant, ang kabuuang headcount sa katapusan ng unang quarter ay 344,400.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page