top of page
Search

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 27, 2024



Photo: edt


Nagpahayag ang United States (US) Centers for Disease Control and Prevention (CDC) nu'ng Huwebes na natuklasan ang mga ‘mutation’ sa sample ng unang malalang kaso ng bird flu sa bansa nu'ng nakaraang linggo.


Ang mga mutations na ito ay hindi nakita sa mga sample mula sa mga apektadong backyard flock na matatagpuan sa ari-arian ng pasyente.


Ayon sa CDC, ang sample ng pasyente ay nagpakita ng mga pagbabago sa hemagglutinin (HA) gene, isang mahalagang bahagi ng virus na responsable sa pagdikit nito sa host cells.


Tiniyak ng CDC na ang panganib ng bird flu outbreak sa publiko ay nananatiling mababa, sa kabila ng pag-uulat ng unang malalang kaso ng virus sa bansa noong nakaraang linggo.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 23, 2024



Photo: Donald Trump - AP / Panama Canal


Nagbanta si President-elect Donald Trump na ibabalik sa United States (US) ang kontrol sa Panama Canal, matapos niyang akusahan ang Panama ng sobrang paniningil sa paggamit ng nasabing lagusan.


Ang pahayag na ito ay umani ng matinding kritisismo mula kay Pangulong Jose Raul Mulino ng Panama.


Sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Arizona, sinabi ni Trump na hindi niya hahayaang mapunta sa maling mga kamay ang canal, at nagbabala laban sa posibleng impluwensya ng China sa mahalagang rutang ito ng kalakalan.


Samantala, matapos ang kanyang banta, nag-post si Trump ng larawan sa Truth Social na nagpapakita ng watawat ng US na nakatayo sa nasabing canal kalakip ng komentong: "Welcome to the United States Canal!"

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 21, 2024



Photo: Republican representative na si Andy Biggs ng Arizona - AP


Ipinasa ng United States Congress ang isang spending legislation nitong Sabado ng madaling araw upang maiwasan ang destabilizing government shutdown sa paparating na holiday travel season.


Inaprubahan ng Democratic-controlled Senate sa botong 85-11 ang panukala,38 minuto matapos ang expiration ng pondo nu'ng hatinggabi na naging dahilan upang hindi ipatupad ng shutdown procedures ang gobyerno sa loob ng nasabing oras.


Ang panukalang batas ay isusumite na sa White House, kung saan inaasahang lalagdaan ito ni Pangulong Joe Biden upang maging batas.


Nauna nang inaprubahan ang package sa Republican-controlled House of Representatives (HOR) na may suporta mula sa parehong partido, nagpapakita ng malawakang pagkakaisa para maiwasan ang government shutdown.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page