top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 5, 2024




Nagdulot ng pagkasawi ng hindi bababa sa 55 katao ang matinding mga pag-ulan sa timog na estado ng Brazil, ang Rio Grande do Sul, ayon sa mga lokal na otoridad noong Sabado ng gabi.


Ayon sa civil defense authority ng Rio Grande do Sul, 74 katao pa rin ang nawawala at higit sa 69,000 ang na-displace habang nakakaapekto pa rin ang mga bagyo sa nakaraang mga araw sa halos 2/3 bahagi ng 497 lungsod sa estado, na katabi ng Uruguay at Argentina.


Sa ngayon, iniimbestigahan pa rin ng mga lokal na otoridad kung may kaugnayan sa mga bagyo ang pitong karagdagang pagkamatay, matapos nilang iulat ka

 
 

ni Angela Fernando @News | May 4, 2024


Apektado ng pulitika ang social media platform na TikTok sa United States habang ang mga technology giants ay nakatuon sa mga ad deals para sa mga platforms tulad ng Snap at Meta.


Lumabas ang isang proposal sa New York na kilala bilang NewFronts isang linggo matapos pirmahan ni Pangulong Joe Biden ang isang batas na nagbibigay sa Chinese tech company na ByteDance ng hanggang isang taon upang i-divest ang TikTok, o ipagbabawal ang application dahil sa politikal na usapin at para sa seguridad ng US.


Sumumpa naman ang TikTok na lalabanan nito ang nasabing legislative.


Inaasahang magbibigay ang TikTok ng $8.66-bilyon mula sa kita galing sa mga advertisements sa US ngayong taon, ayon sa pag-aaral ng Emarketer. Bagama't mas maliit na plataporma ang app kumpara sa Google at Meta, naudyukan nito ang mga kalabang kumpanya na maglatag ng kaparehas na features na kaya nitong ibigay.


 
 

ni Eli San Miguel @News | May 3, 2024




SAO PAULO, Brazil - Umakyat na sa 29 ang bilang ng pagkasawi dahil sa matinding mga pag-ulan sa Rio Grande do Sul, Brazil, ayon sa mga lokal na otoridad.


Kasabay nito ang pagdedeklara ng “state of calamity” sa estado.


Higit sa 300,000 katao rin ang nawalan ng kuryente matapos sumabog ang isang dam sa isang maliit na hydroelectric power plant noong Huwebes.


Sa kabuuan, nagdulot ng pinakamalaking pinsala sa estado ang mga pagbagyo sa mga nakaraang taon kung saan 60 katao ang nawala at 10,242 ang lumikas sa 154 na lungsod, ayon sa civil defense ng Rio Grande do Sul.sa kasalukuyang taon, inihayag ng BuCor na 618 PDLs ang kanilang pinalaya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page