top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 7, 2024




Pinalaya mula sa pagkakabihag ang hindi bababa sa 107 mga dayuhang migrante kabilang na ang mga babae at mga bata sa timog-silangan ng Libya, ayon sa tagapagsalita ng security force ngayong Lunes.


Inihayag ni Walid Alorafi, tagapagsalita ng Criminal Investigation Department (CID) sa Benghazi, sinabi ng ilang migrante itinago at binihag sila hanggang pitong buwan.


"We raided a hideout in the downtown of Kufra last night and we found illegal migrants including women, children and old men who some have marks of torture and bullets," ani Alorafi.


"The migrants have been all handed over to (the) illegal migration agency for completion of some procedures," dagdag niya.


Noong Marso, sinabi ng International Organization for Migration na natagpuan ng CID ang hindi bababa sa 65 na bangkay ng mga migrante sa isang libingang nadiskubre sa timog-kanlurang Libya.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 6, 2024




Nagprotesta ang libu-libong mga Israeli noong Sabado, para mananawagan kay Prime Minister Benjamin Netanyahu na pumayag sa tigil-putukan kasama ang Hamas.


Naglalayon ang tigil-putukan na maibalik ang mga natitirang Israeli na bihag sa Gaza.


Sa isang rally sa Tel Aviv habang nagpupulong ang mga opisyal ng Hamas kasama ang mga Egyptian at Qatari mediators sa Cairo, ipinaglaban ng mga kamag-anak at tagasuporta ng higit sa 130 na bihag na gawin ng pamahalaan ang lahat ng posibleng paraan para maiuwi sila.


Gayunpaman, inihayag ng pamahalaan ni Netanyahu na hindi nito wawakasan ang giyera hangga’t hindi tuluyang natatalo ang Hamas at hindi naibabalik ang kanilang mga bihag.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 5, 2024


Nagpahayag ang Australian police nitong Linggo na kanilang binaril ang 16-anyos na binatilyo matapos nitong saksakin ang isang lalaki sa kapitolyo ng Western Australia sa Perth.


Saad ng pulisya, nagpapahiwatig ng terorismo ang ginawang pag-atake ng kanilang napatay na binatilyo.


May mga palatandaan din na ang lalaking armado ng kutsilyo ay na-radicalize na online, ayon sa mga otoridad ng estado.


Dagdag pa nila, nakatanggap sila ng mga tawag mula sa mga lokal sa isang Muslim community na nagpahatid ng pagkabahala bago pa ang pag-atake nito nu'ng Sabado ng gabi.


Hindi naman idineklarang terorismo ang ginawa ng binatilyo kahit na nakitaan nila ito ng mga palatandaan o “hallmarks.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page