top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 10, 2024


Inihayag ng Taipei coast guard noong Huwebes na nadiskubre nila ang pitong barko ng China at limang coast guard vessels sa paligid ng isla ng Kinmen sa Taiwan.


"Around 15:00 (0700 GMT), a fleet of seven ships ... belonging to China's maritime and fishery departments entered our restricted waters," pahayag ng coast guard.


Nangyari ang insidente higit-isang linggo bago ang pag-upo ng bagong presidente ng Taiwan. Matatandaang inaangkin ng China ang Taiwan bilang bahagi ng kanilang teritoryo.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 8, 2024


Nagpatotoo ang porn star na si Stormy Daniels sa paglilitis para kay Donald Trump nu'ng Martes na nakipagtalik sa kanya ang dating Pangulo at inaming may takot siyang ilabas ang katotohanan sa publiko.


Matatandaang tinawag si Daniels para maging witness sa criminal trial ni Trump.


Agad namang itinanggi ni Trump ang mga alegasyon at iginiit na hindi siya nakipagtalik sa porn star.


Umapela rin ang dating presidente at binigyang-diin na hindi siya nagkasala.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 7, 2024


Tanggap na ng Hamas ang isinulong ng Egypt at Qatar na kasunduan para sa ceasefire.


Ito ay kinumpirma ni Ismail Haniyeh, namumuno sa political wing ng samahang Hamas.


Wala namang linaw kung ano'ng ceasefire deal ang tinanggap ng Hamas.


Matatandaang may dalawang usaping ceasefire, isang isinulong nu'ng nakaraang linggo at ang binagong bersyon nito.


Inaaral pa sa kasalukuyan ng pamahalaan ng Israel ang naging pagpayag ng Hamas sa nasabing deal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page