top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 19, 2024


Ipinagbawal ng European Union noong Biyernes ang apat na karagdagang Russian media outlets na magpahayag sa kanilang 27-nation bloc. Ito'y habang naghahanda ang Europe para sa mga parliamentary elections sa loob ng tatlong linggo.


Inihayag ng EU na nagpapakalat ng propaganda at disimpormasyon ang mga outlets tungkol sa pagsalakay ng Ukraine.


Kabilang sa mga ipinagbawal na media outlets ang Voice of Europe, RIA Novosti, Izvestia at Rossiyskaya Gazeta, na sinasabi ng EU na pawang nasa ilalim ng kontrol ng Kremlin.


Simula noong pumutok ang giyera noong Pebrero 2022, sinsuspinde na ng EU ang Russia Today at Sputnik kasama ng iba pang mga media.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 18, 2024


Inatake ng Israeli forces ang Hamas sa mga daan ng Jabalia sa northern Gaza nu'ng Biyernes.


Ito ay isa sa pinakamatitinding labanan mula ng bumalik ang Israel sa lugar makaraan ang isang linggo.


Samantala, umatake naman ang militanteng grupo sa mga tangkeng ipinalibot sa Rafah.


Ayon sa mga residente, umabante ang mga Israeli armour hanggang sa palengke sa gitna ng Jabalia, ang pinakamalaking refugee camp sa walong makasaysayang kampo sa Gaza. Sinabi rin nila na ang mga bulldozer ay sumira ng mga bahay at tindahan na kanilang dinaanan.


Iginiit naman ng Israel na nalinis na ng kanilang mga pwersa ang Jabalia ilang buwan na ang nakalipas, ngunit nu'ng nakaraang linggo, ipinaalam nilang bumalik sila upang mapigilan ang muling pagbuo ng mga Islamist group sa lugar.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 17, 2024


Muling nanguna sa listahan ng Forbes na highest-paid athletes ang sikat na soccer player na si Cristiano Ronaldo sa ika-apat na pagkakataon sa kanyang karera.


Nakamit ni Ronaldo ang nasabing titulo matapos niyang lumipat sa Saudi Arabian team na Al-Nassr.


Ang kita niya sa paglalaro ay umabot ng $200-milyon, habang ang kanyang kita mula sa mga endorsements ay nasa $60-milyon.


Ayon sa Forbes, ang tinatayang kabuuang kita ng 39-anyos na manlalaro ay nasa $260-milyon, na all-time high para sa isang soccer player.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page