top of page
Search

ni Eli San Miguel @News| May 21, 2024


Inihayag ng US Central Command (CENTCOM) nitong Martes na higit sa 569 metric-tons na mga aid supplies ang naipadala patungo sa Gaza sa pamamagitan ng lumulutang na pier, ngunit hindi nakarating ang lahat ng tulong sa mga warehouse.


Nagsimulang dumating ang mga aid supplies sa isang pier na itinayo ng United States noong Biyernes habang nahaharap ang Israel sa dumaraming pandaigdigang tensyon upang pahintulutan ang mas maraming supply sa bantay-saradong baybayin.


Iniulat ng UN na 10 truckload ng tulong sa pagkain ang dumating sa isang warehouse ng World Food Programme sa Deir El Balah, Gaza, noong Biyernes.


Gayunpaman, sa Sabado, limang truckload lamang ang nakarating sa warehouse.


Hindi nakatanggap ang UN ng anumang tulong mula sa pier noong Linggo o Lunes.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 20, 2024


Nanumpa si Lai Ching-te bilang bagong pangulo ng Taiwan nitong Lunes. Papalit siya kay Tsai Ing-wen, matapos na maglingkod bilang kanyang bise presidente sa nakalipas na apat na taon.


Sa kanyang inauguration speech, hiniling ng bagong presidente sa China na itigil ang mga militar at pampulitikong banta.


"I also want to urge China to stop intimidating Taiwan politically and militarily, and to take on the global responsibility with Taiwan to work hard on maintaining peace and stability across the Taiwan Strait and in the region, to ensure the world is without the fear of war breaking out," ani Lai.


"We also want to declare this to the world: Taiwan makes no concessions on democracy and freedom. Peace is the only option and prosperity is our goal for long-term peace and stability,"dagdag niya.


Nahaharap sa tensyon mula sa China ang Taiwan mula nang manalo sa halalan si Lai, 64, na kilala sa kanyang English name na William.


"Fellow citizens, we have the ideal to pursue peace, but we must not have illusions," anang bagong presidente.


"Before China gives up using force to invade Taiwan, citizens must understand this: Even if we accept all of China's claims and give up our sovereignty, China's ambition to annex Taiwan will not disappear," dagdag niya.a.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 19, 2024


Dumating ang negosyanteng si Elon Musk sa isla ng Bali, Indonesia nitong Linggo bilang paghahanda sa planong paglunsad ng Starlink internet service ng SpaceX, na inaasahan ng gobyerno ng Indonesia na magpapataas ng internet penetration at mga serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na bahagi ng malawak na arkipelago.


Sinalubong ni Chief Investment Minister Luhut Binsar Pandjaitan ang pagdating ni Musk sa pamamagitan ng pribadong jet sa paliparan ng Bali nitong umaga, at sinabi na pag-uusapan nila ang ilang mahalagang collaborations, kabilang ang inagurasyon ng Starlink, ayon sa isang post sa kanyang Instagram page.


Iginiit din niya na ang pantay na access sa internet sa pinakamalaking ekonomiya sa Timog-Silangang Asya, na may higit sa 270-milyong katao na naninirahan sa tatlong time zones, ay magbibigay-daan sa mga tao sa malalayong lugar na makaranas ng parehong bilis ng internet tulad ng mga nasa urban.


Ipinaalam din ni Pandjaitan na ilulunsad ni Musk ang Starlink kasama si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa isang community health center sa Denpasar, kabisera ng Bali ngayong araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page