top of page
Search

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 21, 2024



Photo: Republican representative na si Andy Biggs ng Arizona - AP


Ipinasa ng United States Congress ang isang spending legislation nitong Sabado ng madaling araw upang maiwasan ang destabilizing government shutdown sa paparating na holiday travel season.


Inaprubahan ng Democratic-controlled Senate sa botong 85-11 ang panukala,38 minuto matapos ang expiration ng pondo nu'ng hatinggabi na naging dahilan upang hindi ipatupad ng shutdown procedures ang gobyerno sa loob ng nasabing oras.


Ang panukalang batas ay isusumite na sa White House, kung saan inaasahang lalagdaan ito ni Pangulong Joe Biden upang maging batas.


Nauna nang inaprubahan ang package sa Republican-controlled House of Representatives (HOR) na may suporta mula sa parehong partido, nagpapakita ng malawakang pagkakaisa para maiwasan ang government shutdown.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 18, 2024



Photo: Vanuatu's 7.3 magnitude earthquake aftermath - SS - The Guardian - AFP / Vanuatu's capital Port Vila - Facebook account of Michael Thompson-AFP


Patuloy na naghahanap ang mga rescuers sa Vanuatu nitong Miyerkules ng mga taong posibleng na-trap pa matapos ang 7.4 magnitude na lindol na tumama sa kabisera ng bansa, Port Vila, noong Martes.


Nasa 14 katao ang kumpirmadong nasawi, at nasira rin ang mga imbakan ng tubig, mga gusaling pangkomersyo, embahada, at isang ospital. Ayon sa opisyal ng Red Cross sa X, na binanggit ang pamahalaan ng Vanuatu, hindi bababa sa 200 katao ang ginagamot dahil sa mga natamong sugat sa pangunahing ospital ng kabisera at iba pang pasilidad pangkalusugan.


"Rescue ops continue to free those trapped after the quake, and attention turns to urgent needs like first aid, shelter, and water," ani Katie Greenwood, ang Head of the Delegation for the Pacific at the International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 16, 2024



Photo: Pres. Yoon Suk Yeol / korea.net


Susuriin ng Constitutional Court ng South Korea ang impeachment laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol ngayong Lunes kaugnay ng kanyang tangkang pagpapatupad ng martial law noong Disyembre 3, ayon sa isang tagapagsalita.


Lalahok ang lahat ng anim na hukom, at maaaring magpasya ang korte sa loob ng anim na buwan. Posibleng maharap sa insurrection charges si Yoon at ilang matataas na opisyal.


Plano ng mga imbestigador mula sa pulisya, defense ministry, at anti-corruption agency na kuwestyunin si Yoon sa Miyerkules, ayon sa ulat ng Yonhap.


Hindi naman agad makontak ang opisina ng mga imbestigador para sa kumpirmasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page