top of page
Search

ni Eli San Miguel l @Overseas News | June 30, 2024


News Photo
Photo: Emma Kayode / Associated Pres

Hindi bababa sa 18 katao ang namatay at 30 iba pa ang sugatan matapos ang isang serye ng mga pag-atake ng hinihinalang mga babaeng suicide bomber sa hilagang-silangang estado ng Borno sa Nigeria noong Sabado.


Matatagpuan ang Borno sa sentro ng 15-taong pagrerebelde ng mga Islamist na nagresulta sa libu-libong pagkamatay at paglikas ng milyon-milyong tao.


Sinabi ni Barkindo Saidu, director general ng Borno State Emergency Management Agency, na magkahiwalay na inatake ng mga pinaniniwalaang suicide bomber ang isang kasal, burol, at ospital sa bayan ng Gwoza.


Inihayag ni Saidu na kumpirmado ang pagkamatay ng 18 katao, kabilang ang mga bata, matatanda, at buntis.


Walang sinumang nag-angkin ng responsibilidad para sa mga pag-atake.


Hindi agad naging bukas para sa komento ang pulisya ng Borno.

 
 

ni Angel Fernando l @Overseas News | June 29, 2024



News Photo
Photo: Circulations / FB

Nakabalik na sa kanyang tahanan si Princess Anne, ang 73-anyos na kapatid ni King Charles III, matapos itong maospital dahil sa concussion o pagkakauntog nu'ng Hunyo 23, ayon sa ulat ng palasyo nu'ng Biyernes.


Ibinahagi ng Buckingham Palace na si Anne ay nasa bahay na nito sa Gatcombe Park mula sa Southmead Hospital. Mananatili naman ang Princess Royal sa kanyang tirahan habang nagpapagaling at liliban muna sa mga opisyal na tungkulin hanggang payuhan ng mga doktor na ligtas na itong kumilos.


Walang ibinigay na karagdagang detalye ang palasyo tungkol sa insidente at dahilan ng pagkakaospital ng Prinsesa.


Nagpasalamat naman ang asawa ni Anne na si Vice Admiral Sir Tim Laurence sa ospital na tumingin sa kanyang asawa.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | June 28, 2024



News

Iniutos ng Department of Education ng Oklahoma sa mga titser na kailangang magkaroon ng Bibliya sa mga silid-aralan at ituro ito sa mga estudyante.


Ito ay ibinaba nu'ng Huwebes, isang desisyong humahamon sa utos ng Korte Suprema ng United States na nagbabawal sa pag-sponsor ng relihiyon sa estado.


Si Ryan Walters, ang superintendent ng public instruction ng estado, ang nagbaba ang utos na agarang ipapatupad at sinabi rin niyang dapat mabigyang-pansin ang pag-aaral ng Sampung Utos.


Binigyang-diin din ni Walters sa kanyang pahayag na ang Bibliya ay banal na kasulatan ng Hudaismo at Kristiyanismo at isang pundasyon ng sibilisasyon ng West.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page