top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 4, 2024



News

Sinakyan at kinumpiska ng mga opisyal ng China ang isang fishing boat ng Taiwan malapit sa baybayin ng China, na malapit din sa isang islang kontrolado ng Taiwan noong Martes ng gabi.


Dinala ng mga Chinese ang bangka sa kanilang daungan. Nagpapahiwatig ang pangyayaring ito ng pagtaas ng tensyon habang patuloy na ipinapahayag ng China ang kanilang pag-aangkin sa Taiwan, na itinuturing nilang kanilang sariling teritoryo.


Nagtaas ang China ng tensyon sa Taipei mula nang maupo si Pangulong Lai Ching-te noong Mayo, na itinuturing ng Beijing bilang 'separatist.' Ayon sa coast guard ng Taiwan, malapit ang squid fishing boat sa islang Kinmen ng Taiwan, malapit sa mga lungsod ng Xiamen at Quanzhou sa China, ngunit nasa mga tubig ng China noong Martes ng gabi nang sakyan at kumpiskahin ito ng dalawang Chinese maritime boats.


Ayon sa coast guard, nangingisda ang bangkang Taiwanese sa kasagsagan ng 'no-fishing' period ng China. Magkakaroon ng diskurso ang Taiwan sa China at papakiusapan sila na agarang palayain ang mga mangingisda.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | July 3, 2024



News

Muling namataan malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) ang pinakamalaking coast guard ship sa mundo na pagmamay-ari ng China Coast Guard (CCG) na mas kilala sa tawag na ‘The Monster’ nitong Miyerkules, ayon sa isang maritime expert na nagmomonitor ng mga paggalaw ng barko sa South China Sea.


Sa isang post sa X, sinabi ng dating opisyal ng US Air Force at noo'y Defence Attaché na si Ray Powell na ang CCG 5901 ay sumali sa CCG 5203 sa Ayungin Shoal nu'ng 7:26 ng umaga.


"The 165-meter China Coast Guard 5901 ('The Monster') has returned for another intrusive patrol in the Philippines' exclusive economic zone and has just joined the 102-meter CCG 5203 at 2nd Thomas (Ayungin) Shoal," saad ni Powell.


Matatandaang huling namataang naglalayag ang CCG 5901 sa WPS nu'ng Hunyo 24, na nagsimula matapos ang marahas na insidenteng naganap nu'ng Hunyo 17 sa pagitan ng China at 'Pinas.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 3, 2024



News

Opisyal na ipinagbawal ang 'child marriage' sa Sierra Leone noong Martes, matapos pirmahan ni Pangulong Julius Maada Bio ang isang batas upang tapusin ang pagsasagawa ng pagpapakasal sa mga bata.


Sa ilalim ng batas, maaaring maparusahan ang sinumang lalaki na mag-aasawa ng isang babae na hindi pa 18 anyos. Mahaharap sila sa hindi kukulangin sa 15 taong pagikakulong at multa na nasa $4,000.


Maaari ring magkaroon ng multa ang mga magulang o mga dumalo sa mga seremonya ng ganoong uri ng kasal.


Tinanggap ng U.S. Bureau of African Affairs ang pagpasa ng batas bilang isang "mahalagang hakbang na hindi lamang nagpoprotekta sa mga babae kundi nagtataguyod din ng malakas na mga proteksyon sa karapatang pantao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page