- BULGAR
- Jul 7, 2024
ni Eli San Miguel @Overseas | July 7, 2024

Inihayag ng Dalai Lama nitong Sabado na kasalukuyan siyang nagpapagaling mula sa isang operasyon sa tuhod at nararamdaman niyang siya'y nasa mabuting kalagayan, na pinapabulaanan ang mga negatibong tsismis tungkol sa kanyang kalusugan.
"Recently I had surgery on my knee, which has given me some problem. However, I am recovering and have no problem at all now," pahayag ng pinatalsik na spiritual leader ng Tibetan Buddhism sa isang video message mula sa United States, kung saan siya'y nagpapagaling.
"There may be people trying to confuse you about my health, saying that the Dalai Lama has gone to a hospital and is undergoing treatments, and so on, making my condition sound grave. You don't need to trust such misinformation," aniya.
Tumanggap ng Nobel Peace Prize noong 1989 si Dalai Lama, na kilala sa pandaigdigang pagpapalaganap ng Buddhism, para sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga Tibetan.
Sa pagtanda at mga hamon sa kanyang kalusugan, naging isang mahalagang isyu para sa mga Tibetan ang pagpili ng kanyang kahalili o kapalit.
"I am nearly 90 now but I don't feel unhealthy, except for the slight discomfort in my legs. I would like to thank all my fellow Tibetans in and outside Tibet for your prayers on my birthday," dagdag pa ng Dalai Lama.
Noong Sabado, libu-libong mga Buddhist at mga nagmamahal sa Dalai Lama mula sa iba't ibang panig ng mundo ang nagtipon upang ipagdiwang at manalangin para sa mahabang buhay ng kanilang lider.






