top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 17, 2024



Showbiz Photo

Namatay ang siyam na katao, kasama ang tatlong mga salarin, at higit sa dalawang dosenang iba pa ang sugatan sa pag-atake sa isang mosque ng mga Shi'ite sa Oman noong Lunes ng gabi. Iniulat ng mga otoridad na ito'y isang security breach.


Ayon sa mga opisyal, apat na Pakistani, isang Indian, at isang pulis ang kasama sa mga namatay sa pamamaril. Sinabi ng pulisya ng Oman na 28 katao mula sa iba't ibang bansa ang nasugatan, kabilang ang mga tauhan ng seguridad.


Sinabi ng foreign ministry ng Pakistan na naganap ang pag-atake sa mosque ni Ali bin Abi Talib. Kilala rin ito bilang Imam Ali mosque, isang bahay-sambahan ng mga Shi'ite sa Oman na pinamumunuan ng Ibadi, na may maliit ngunit impluwensyal na minorya ng mga Shi'ite. Hindi pa sinabi ng pulisya kung natukoy na nila ang motibo ng pag-atake o kung may mga naaresto na sila. Hindi rin nila inilabas ang mga pangalan ng mga salarin.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | July 16, 2024



File photo

Dumalo ang dating Pangulo ng United States na si Donald Trump, dalawang araw matapos ang pagtatangkang pagpatay sa kanya, sa opening night ng Republican National Convention na may benda sa kanyang kanang tenga.


Nagpalakpakan nang malakas ang mga delegado dahil sa paglitaw ni Trump sa isang backstage live video, habang kumakanta si Lee Greenwood ng "God Bless the USA."


Naganap ang paglitaw ni Trump ilang oras matapos siyang ilagay sa nominasyon ng mga delegado upang pamunuan ang kanilang tiket para sa ikatlong pagkakataon at tanggapin si Ohio Sen. JD Vance bilang kanyang running mate.


Nagpapakita ang pormal na nominasyon ni Trump ng kahalagahan ng kanyang popularidad sa mga aktibista ng Republican Party.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | July 15, 2024



File photo

Sugatan ang apat na katao, kabilang ang isang nasa kritikal na kondisyon, nang rumagasa umano ang isang kotse papasok sa isang bus stop sa gitnang Israel nitong Linggo, ayon sa ulat ng mga otoridad ng Israel.


Sinabi ng police commander na si Avi Biton, na napatay ang suspek sa eksena, na pinaniniwalaang mula sa silangang Jerusalem.


"The terrorist, traveling east to west, ran over a number of Israelis at a bus stop - continued a few hundred meters, did a u-turn, and carried out another ramming attack at a bus stop," ani Biton.


Sinabi ng pulisya na kanilang iniimbestigahan ang lugar malapit sa lungsod ng Ramle para sa posibleng mga kasabwat sa krimen. Nagkaroon ng pagtaas ng karahasan sa Israel sa panahon ng kanilang military campaign sa Gaza laban sa Hamas na sumalanta sa timog ng Israel noong Oktubre 7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page