top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 21, 2024


Showbiz Photo
Photo: Anadolu

Inihayag ng state media na nagdulot ang malakas na ulan ng pagbagsak ng bahagi ng isang tulay sa hilagang China, na ikinamatay ng hindi bababa sa 12 katao at nag-iwan ng higit sa 30 na nawawala.


Nitong mga nakaraang araw, maraming bahagi ng hilaga at gitnang China ang nakaranas ng malalakas na ulan na nagdulot ng pagbaha at malalaking pinsala.


Iniulat ng Xinhua News Agency na bumagsak ang tulay sa hilagang-kanlurang lalawigan ng Shaanxi dahil sa biglang pag-ulan at pagbaha noong Biyernes ng gabi.


Idinagdag pa ng ulat na natagpuan ang lahat ng 12 biktima sa Zhashui County, sa lungsod ng Shangluo, sa loob ng limang sasakyang narekober mula sa Jinqian River sa ilalim ng tulay.


Sa ngayon, hindi bababa sa 31 katao ang nananatiling nawawala, at nadiskubre sa mga paunang imbestigasyon na 17 kotse at walong truck ang nahulog sa ilog.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | July 19, 2024



MJ Lastimosa

Umabot na sa 16 katao ang namatay sa sunog sa isang shopping center sa timog-kanlurang bahagi ng China, ayon sa ulat ng state media. Natapos ang rescue operation para sa insidente bandang alas-3 ng madaling-araw noong Huwebes (1900 GMT Miyerkules).


Ipinakita sa video na inere ng state media CCTV at ibinahagi sa social media noong Miyerkules ng gabi, ang makapal na itim na usok na lumalabas mula sa 14-storey tower sa Zigong, lalawigan ng Sichuan.


Nasa 30 katao ang nailigtas mula sa gusali, at naapula ng mga rescuer ang sunog bandang alas-8:20 ng gabi noong Miyerkules, ayon sa CCTV. Hanggang alas-3 ng umaga noong Huwebes, umabot ang bilang ng namatay sa 16 at walang natitirang nakulong na tao sa loob, ayon sa Xinhua.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 18, 2024



Showbiz Photo

Inanunsiyo ng White House na nagpositibo sa COVID-19 si U.S. President Joe Biden habang nasa isang biyahe patungo sa Las Vegas noong Miyerkules at nakakaranas ng banayad na mga sintomas.


Inihayag ni White House spokesperson Karine Jean-Pierre na nagpositibo ang 81-anyos na Democrat matapos sabihin ng pangulo ng UnidosUS na hindi makakadalo si Biden sa isang pagtitipon dahil sa diagnosis.


"He is vaccinated and boosted and experiencing mild symptoms,” ani Jean-Pierre. Nagsabi rin ng impormasyon ang White House tungkol sa gagawing self-isolation ni Biden. "He will be returning to Delaware where he will self-isolate and will continue to carry out all of his duties fully during that time," ani Jean-Pierre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page