top of page
Search

by Eli San Miguel @Overseas | July 27, 2024


Overseas News
Photo: CTVNews

Hinagupit ng Bagyong Gaemi ang lalawigan ng Fujian sa China nitong Biyernes, na nagdulot ng malakas na ulan at hangin, at naging pinakamalakas na bagyo ngayong taon habang umuusad ito patungo sa loob ng bansa.


Ayon sa Xinhua, naapektuhan ng bagyo ang halos 630,000 tao sa Fujian, China, kung saan kalahati sa kanila ang kinakailangang lumikas. Nakapatay ito ng ilang dosenang tao sa Taiwan at pinalala ang mga pag-ulan sa Pilipinas.


Dahil sa bagyo, 72 bayan sa Fujian ang nakapagtala ng precipitation na lumampas sa 250 mm (9.8 pulgada), kung saan umabot ang pinakamataas sa 512.8 mm, ayon sa mga lokal na ahensiya ng panahon.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas | July 27, 2024


Overseas News
Photo: Foxnews

Ipinapadala ng World Health Organization (WHO) ang higit sa isang milyong polio vaccine sa Gaza upang maiwasan ang impeksyon matapos matagpuan ang virus sa mga sewage sample, ayon sa organization chief nitong Biyernes.


"While no cases of polio have been recorded yet, without immediate action, it is just a matter of time before it reaches the thousands of children who have been left unprotected," ani Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa pahayagang The Guardian ng Britain.


Binanggit niya na ang mga bata na wala pang limang taon, lalo na ang mga sanggol na wala pang dalawang taon, ay may pinakamataas na panganib dahil sa pagkaantala ng mga vaccination campaigns na dulot ng higit sa siyam na buwang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel.


Ang poliomyelitis, na pangunahing kumakalat sa pamamagitan ng fecal-oral route, ay isang nakakahawang virus na maaaring magdulot ng paralysis. Mula noong 1988, bumaba ng 99% ang mga kaso ng polio sa buong mundo dahil sa malawakang pagbabakuna, at patuloy ang mga pagsisikap na tuluyang masugpo ito.

 
 

by Angela Fernando @Overseas News | July 26, 2024



DICT PhilHealth

Muling lumutang ang komento ng United States senator na si J.D. Vance patungkol sa mga babaeng walang anak na may posisyon sa gobyerno na sinagot at hindi pinalampas ng kilalang aktres na si Jennifer Aniston.


Ipinost ng 55-anyos na aktres sa kanyang Instagram story kamakailan ang pambabatikos sa binitawang komento ni Vance. "I truly can't believe this is coming from a potential VP of The United States, All I can say is... Mr. Vance, I pray that your daughter is fortunate enough to bear children of her own one day. I hope she will not need to turn to IVF as a second option. Because you are trying to take that away from her, too," saad ni Aniston sa kanyang story.


Matatandaang sa kanyang lumutang na panayam ay binatikos ng senador si Bise-Presidente Kamala Harris. Ang 59-anyos na babaeng opisyal na nasa isa sa pinakamataas na puwesto sa kasaysayan ng U.S. na ngayon ay tumatakbo sa pagka-pangulo matapos umatras ni Pangulong Joe Biden at sinabing hindi na siya tatakbong muli.


"We're effectively run in this country — via the democrats, via our corporate oligarchs — by a bunch of childless cat ladies who are miserable at their own lives and the choices that they've made and so they want to make the rest of the country miserable, too," saad ni Vance sa kanyang panayam nu'ng 2021.


"And it's just a basic fact -- you look at Kamala Harris, Pete Buttigieg, AOC [Alexandria Ocasio-Cortez] -- the entire future of the Democrats is controlled by people without children. And how does it make any sense that we've turned our country over to people who don't really have a direct stake in it?" dagdag pa nito.


Kasal ang Bise-Presidenteng si Harris kay Doug Emhoff mula pa nu'ng 2014 at tumayong stepmother kina Cole, 29, at Ella, 25. Nagbigay ng pahayag si Aniston na dati nang ibinahagi sa publiko ang mga hinarap na pagsubok sa hindi pagkakaroon ng anak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page