top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 8, 2024


File photo
Photo: The Telegraph / FB

Gumuho ang isang hotel sa Moselle wine valley ng Germany, na ikinamatay ng dalawang tao, ayon sa lokal na pulisya.


Nakuha na nila ang bangkay ng isang babae, ngunit hindi pa nila nakukuha ang pangalawang biktima, isang lalaki.


Patuloy ang mga rescuers sa pagsisikap na mailigtas ang isang taong na-trap sa gusali ng Reichsschenke "Zum Ritter Goetz." Inihayag ng mga pulis na mayroong malubhang pinsala ang biktima.


Anim na tao ang nailigtas mula sa marupok na dalawang-palapag na gusali matapos gumuho ang itaas na palapag noong hatinggabi ng Martes.


Sinabi ng mga prosekusyon na may ginawang konstruksyon sa gusali noong araw na iyon. Samantala, itinayo ang hotel noong ika-17 siglo at nagkaroon ng renovation noong dekada 1980.


Sa ngayon, hindi pa malinaw ang sanhi ng pagguho.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 7, 2024


File photo
Photo: Alaska Department of Transportation and Public Facilities via AP

Higit sa 100 bahay ang nasira dahil sa pagbaha mula sa pagsabog ng glacial dam, na matagal nang panganib sa mga lugar malapit sa Mendenhall Glacier sa Juneau, ayon sa mga opisyal na nagsimula nang bilangin ang pinsala habang humuhupa ang tubig.


Sinabi ng National Weather Service na umabot ng 15.99 talampakan (4.9 metro) ang taas ng Mendenhall River nitong maagang bahagi ng Martes. Mas mataas ito kaysa sa 14.97 talampakan (4.6 metro) noong nakaraang taon.


Lumampas ang pagbaha ngayong taon nang mas malayo sa Mendenhall Valley. Umabot ang ilang kalye sa 3 hanggang 4 na talampakan (0.9 hanggang 1.2 metro) na taas ng tubig, at posibleng humigit pa.


Gayunpaman, tila mas kaunti ang pagguho ng lupa kumpara noong nakaraang taon.


Wala namang naiulat na nasaktan, ayon sa state emergency management office.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 6, 2024


File photo
Photo: BicomOrg.UK

Libu-libong mga Israeli ang nagpalipad ng mga orange na lobo nitong Lunes upang ipagdiwang ang ikalimang kaarawan ni Ariel Bibas, isa sa dalawang batang bihag sa Gaza.


Naging simbolo ng mga pagsisikap na palayain ang mga bihag sina Ariel at ang kanyang 1-anyos na kapatid na si Kfir. Inirerepresenta ng mga orange na lobo ang magkapatid na red-haired.



Noong Oktubre 7, pinatay ng Hamas ang 1,200 katao at kumuha ng humigit-kumulang 250 bihag, ayon sa mga otoridad ng Israel. Sa 110 na bihag na nananatiling hawak nila, ang magkapatid na Bibas ang tanging mga bata.


Mula nang mangyari ang pag-atake ng Hamas, mahigit 39,000 Palestino naman ang napatay, ayon sa Ministry of Health ng Gaza

 
 
RECOMMENDED
bottom of page