top of page
Search

by Eli San Miguel @Overseas News | August 16, 2024



Photo

Inimbitahan ni dating Pangulong Donald Trump ang mga mamamahayag sa kanyang golf club sa New Jersey nitong Huwebes para sa kanyang ikalawang press conference sa loob ng dalawang linggo, habang siya ay nakikisabay sa Democratic ticket bago ang Democratic National Convention sa susunod na linggo.


Makikipagpulong si Trump sa mga mamamahayag habang pinatitindi ang kanyang pagbibigay ng kritisismo kay Bise Presidente Kamala Harris dahil sa hindi pagho-host ng press conference o paggawa ng mga interbyu mula nang tapusin ni Pangulong Joe Biden ang kanyang reelection campaign at iendorso siya bilang kapalit.


Sa kanyang press conference noong nakaraang linggo, tinukso ni Trump ang kanyang oposisyon at umatake ng mga tanong tungkol sa sigla ng kampanya ni Harris. Nagsalita siya ng mahigit isang oras at gumawa ng ilang mali at nakalilitong mga pahayag.


 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | August 15, 2024



Photo

Nagsalpukan ang dalawang military jets ng France sa ere sa silangang bahagi ng bansa nitong Miyerkules, na ikinamatay ng dalawang tauhan ng militar at nag-iwan ng isang survivor, ayon sa mga opisyal.


Ayon sa French media, isang trainee pilot at isang piloto ang nasawi. Sinabi naman ni French Defence Minister Sebastien Lecornu sa X na nakaligtas ang natitirang isang piloto.


Sa isang post sa X, tinukoy ni French President Emmanuel Macron ang mga nasawi sa aksidente ng Rafale AM.PA aircraft bilang sina Captain Sebastien Mabire at Lieutenant Matthis Laurens. Nakabase ang mga jets sa Saint-Dizier military installation sa hilagang-silangan ng France.

 
 
  • BULGAR
  • Aug 12, 2024

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 12, 2024



Sports News
Photo: Harford County Executive Bob Cassilly

Nasawi ang isang tao at dalawa ang nasugatan matapos sumabog ang isang bahay sa Maryland nitong Linggo, ayon sa mga opisyal ng bumbero na nag-ulat ng posibleng pagtagas ng gas.


Inilarawan ng mga kapitbahay ang pagsabog noong madaling-araw na tumama sa ilang mga nakapaligid na bahay sa Bel Air, isang bayan na nasa humigit-kumulang 30 milya (50 kilometro) sa hilagang-silangan ng Baltimore.


Tinawag ang mga bumbero sa lugar bandang 6:40 ng madaling-araw dahil sa ulat ng pagtagas ng gas at amoy ng gas, ayon kay Oliver Alkire, isang master deputy mula sa State Fire Marshal’s Office.


Sinabi ni Alkire na malubhang nasira ang isang bahay na katabi ng sumabog na bahay, at isang babae mula doon ang ginamot para sa mga natamong sugat. Hindi bababa sa isang utility worker sa lugar ang nasugatan din.


Nagtatrabaho ang mga imbestigador upang matukoy kung ilang bahay ang nasira at kung gaano kalayo ang radius ng pagsabog. Patuloy na hinahanap ng mga bumbero ang mga labi para sa iba pang posibleng biktima ng pagsabog at inihayag naman ng mga otoridad na wala nang banta ng panganib sa publiko.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page