top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News  | August 28, 2024



Showbiz News

Isang missile mula sa Russia ang tumama sa Kryvyi Rih nitong Miyerkules, habang nagluluksa ang lungsod para sa nakaraang pag-atake na pumatay sa apat na sibilyan sa isang hotel.


Nakapinsala ng imprastruktura ang bagong missile strike at nasugatan ang apat na tao, ayon sa lokal na opisyal na si Oleksandr Vilkul.


Itinuturing naman ang pag-atake noong Martes sa Kryvyi Rih, na pumatay sa apat na tao at nasugatan ang limang iba pa, bilang bahagi ng serye ng mga pag-atake gamit ang missile at drone sa buong Ukraine na isinagawa ng Russia.


Patuloy na isinusulong ng mga puwersa ng Russia ang pag-atake sa okupadong silangang rehiyon ng Donetsk sa Ukraine, na isa sa mga pangunahing layunin ng Kremlin. Papalapit na ang Russian army sa Pokrovsk, isang mahalagang logistics center para sa depensa ng Ukraine sa lugar.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News  | August 28, 2024



Showbiz News

Hiniling ng gobyerno ng Democratic Republic of Congo sa Japan na mag-donate ng hindi bababa sa 2 milyong doses ng mpox vaccine. Sinabi ng isang mataas na opisyal mula sa Africa Centres for Disease Control and Prevention (Africa CDC) na "quite advanced" ang mga pag-uusap sa Japan, at gustong makuha ng Congo ang bakuna upang maprotektahan ang mga bata.


Kinumpirma ni Cris Kacita, ang lider ng mpox response team ng Congo, sa Reuters na humiling ang Central African country sa Japan ng higit sa 2 milyong doses ng bakuna.


Itinuturing ang mpox na posibleng nakamamatay na impeksyon, na nagdudulot ng mga sintomas na katulad ng trangkaso at mga sugat na puno ng nana, at kumakalat sa pamamagitan ng malapit na pisikal na kontak.


Idineklara itong global public health emergency ng World Health Organization noong nakaraang buwan matapos kumalat ang bagong strain, na kilala bilang clade Ib, mula Congo patungo sa mga kalapit na bansa sa Africa.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 26, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBS

Inanunsiyo ng pamahalaan ng Ternate, North Maluku sa Indonesia, ang emergency response para sa mga flash floods sa loob ng susunod na dalawang linggo.


Sinalanta ng pagbaha ang Barangay Rua sa Ternate Island Sub-district noong Linggo ng umaga matapos ang ilang araw ng malakas pag-ulan.


Noong Linggo ng gabi, 14 na tao ang kumpirmadong namatay at walo ang nawawala matapos na itigil ng mga otoridad ang mga paghahanap at pagsagip.


Nagtatrabaho ang apat na excavator upang linisin ang putik, mga bato, at debris mula sa pangunahing kalsada dahil sa patuloy na pag-ulan.


Nakatanggap ang mga residente ng matutuluyan sa ilang mga lugar, kabilang ang Kastela Village Cruise Vocational High School at Rua Village Elementary School.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page