top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 1, 2024


Sports News

Narekober ng Israel ang mga katawan ng anim na bihag mula sa isang tunnel sa katimugang Gaza, kung saan pinaslang umano ang mga ito.


"According to our initial estimation, they were brutally murdered by Hamas terrorists a short time before we reached them," pahayag ni military spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari.


Ayon sa militar ng Israel, naibalik na sa kanilang bansa ang mga bangkay nina Carmel Gat, Hersh Goldberg-Polin, Eden Yerushalmi, Alexander Lobanov, Almog Sarusi, at Ori Danino.


Sinabi ni Pangulong Joe Biden ng United States, na masugid na sinusubaybayan ang kalagayan ng mga bihag na dinukot noong Oktubre 7, na kabilang sa anim na ito ang Israeli-American na si Goldberg-Polin.


Hindi agad nagbigay ng komento ang Hamas sa mga paratang na ito.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 31, 2024


Sports News

Nagsimulang i-block ng Brazil ang social media platform X ni Elon Musk nitong Sabado, kaya't halos hindi na ito ma-access online at sa app matapos mabigong sundin ng kumpanya ang utos ng isang hukom.


Nangyari ang suspensyon dahil hindi natugunan ng X ang deadline na itinakda ni Supreme Court Justice Alexandre de Moraes na magtalaga ng legal na kinatawan sa Brazil.


Ito ang nagmarka ng patuloy na alitan sa pagitan nina Musk at de Moraes tungkol sa kalayaan sa pagpapahayag, mga far-right accounts, at maling impormasyon.


Upang i-block ang X, inutusan ng telecom regulator ng Brazil, Anatel, ang mga internet service providers na putulin ang access sa platform. Pagsapit ng hatinggabi nitong Sabado, sinimulan na ito ng mga pangunahing operator.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 30, 2024



Sports News
Photo: Reuters

Tumama ang isang malakas na bagyo sa katimugang bahagi ng Japan nitong Huwebes, na nagdala ng malakas na ulan at hangin, na nagresulta sa hindi bababa sa limang pagkamatay.


Nag-landfall ang Shanshan sa katimugang isla ng Kyushu bilang isang malakas na bagyo bago ito tuluyang humina, ngunit inaasahan pa rin itong magdudulot ng malakas na hangin, malalaking alon, at matinding pag-ulan sa karamihan ng bansa, lalo na sa Kyushu.


Ayon sa Kyushu Electric Power Co., humigit-kumulang 168,000 kabahayan sa Kyushu ang nawalan ng kuryente, karamihan ay sa Kagoshima prefecture.


Humigit-kumulang 20,000 tao naman ang lumikas sa mga municipal community centers, gymnasium ng mga paaralan, at iba pang pasilidad sa buong Kyushu.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page