top of page
Search

Ni Eli San Miguel @Lifestyle | Sep. 24, 2024



Michelle Dee IG

Nakaranas ang Izu islands ng Japan, na nasa timog ng Tokyo, ng maliit na tsunami ngayong Martes matapos ang magnitude 5.9 na lindol malapit sa isang unpopulated island sa Pacific. Umabot ang tsunami na 50 cm (1.6 ft) sa Hachijo island mga 40 minuto pagkatapos ng lindol, ngunit walang naitalang pinsala, ayon sa NHK public broadcaster.


Nagbabala naman ang Japan Meteorological Agency sa mga residente ng Izu at Ogasawara islands na maghanda para sa isang tsunami na maaaring umabot ng hanggang 1m (3.3 ft).


Nangyari ang lindol sa ilalim ng dagat malapit sa Torishima island, mga 600 km (370 miles) sa timog ng Tokyo. Mayroong humigit-kumulang isang dosenang inhabited islands at pinagsamang populasyon na tinatayang 24,000, ang mga Izu at Ogasawara islands.





 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 22, 2024



Fridays For Future Climate Change - Copyright AP Photo-Markus Schreiber Euro News

Humagupit ang malakas na ulan sa northcentral region ng Noto sa Japan nitong Sabado, na nagdulot ng landslide at baha, na nag-iwan ng isang patay at ilang nawawala, ayon sa mga opisyal.


Naging sanhi ang pagbaha ng pag-apaw ng mga ilog, pagbaha sa mga tahanan, at pagka-stranded ng ilang mga residente sa rehiyon na patuloy pa ring bumabawi mula sa nakamamatay na lindol noong Enero 1.


Sa Suzu, isang tao ang nasawi at isa pa ang nawawala matapos tangayin ng rumaragasang baha. Isa pang tao ang naiulat na nawawala sa kalapit na bayan ng Noto, ayon sa prefecture. Sa Wajima, apat na tao ang nawawala matapos ang isang landslide sa isang construction site.


Isang lindol na may lakas na 7.6 magnitude ang yumanig sa rehiyon noong Enero 1, na pumatay ng mahigit 370 katao at sumira sa mga kalsada at iba pang mahahalagang imprastruktura. Ang epekto nito ay patuloy na nakakaapekto sa lokal na industriya, ekonomiya, at pang-araw-araw na buhay ng mga residente.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 21, 2024



Fridays For Future Climate Change - Copyright AP Photo-Markus Schreiber Euro News

Naghanda ang mga aktibista para sa mga pandaigdigang protesta nitong Biyernes na humihiling ng aksyon sa climate change habang nagsisimula ang mga major events sa New York City.


Inorgisa ng youth-lead group na Fridays for Future, ang mga protesta sa mga lungsod tulad ng Berlin, Brussels, Rio de Janeiro, at New Delhi, kabilang ang isang martsa sa Brooklyn Bridge ng New York chapter, na naglalayong makakuha ng hindi bababa sa 1,000 tao.


Mayroon pang mga nakatakdang protesta ngayong Sabado at sa darating na Linggo. Nagho-host ang New York ng Climate Week NYC, kasabay ng talakayan ng U.N. General Assembly tungkol sa climate action at pondo para sa mga mas mahihirap na bansa na naapektuhan ng climate change.


Nagsimula ang mga climate protests ng kabataan noong Agosto 2018 nang si Greta Thunberg, na noo'y 15 taong gulang, ay nagdaos ng sit-in sa labas ng parlyamento ng Sweden upang humiling ng climate action at pagwawakas sa paggamit ng fossil fuel.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page