top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 8, 2024



News Photo

Nagsimula na ang mga rescue operations matapos gumuho ang isang minahan sa Mumbwa District ng Zambia, na nagresulta sa pagkamatay ng 10 tao at pagkasugat ng lima, ayon sa mga pulis nitong Lunes.


"An unknown number of people went to conduct mining activities at the pit this morning. During the course of their mining activities, the earth collapsed on them," ayon sa pulisya ng Zambia.


Sinusubukan nang iligtas ng mga rescuers ang mga minero na pinaniniwalaang na-trap sa ilalim ng mga debris. "We will do everything possible to provide assistance and ensure a thorough investigation," pahayag ng lokal na pulitikong si Collins Nzovu.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 7, 2024



News Photo

Mahigit 6,300 katao ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan matapos ang pag-atake ng gang sa gitnang Haiti na ikinamatay ng hindi bababa sa 70 tao, ayon sa migration agency ng U.N.


Nananatili ang halos 90% ng mga lumikas sa kanilang mga kamag-anak, habang 12% ang nakahanap ng kanlungan sa mga lugar tulad ng paaralan, ayon sa International Organization for Migration.


Nangyari ang pag-atake sa Pont-Sondé noong maagang bahagi ng Huwebes, at marami ang tumakas sa gitna ng gabi. Tumaas ang paunang pagtataya ng 20 pagkamatay, matapos makahanap ang mga aktibista at opisyal ng marami pang mga katawan.


Tumaas ang karahasan ng gang sa buong Artibonite, ang pangunahing rehiyon ng Haiti. Itinuturing naman ang pag-atake noong Huwebes bilang isa sa sa pinakamalaking masaker.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 6, 2024



News Photo

Naglunsad ang mga opisyal ng kalusugan ng Congo, ng kanilang kauna-unahang kampanya sa pagbabakuna laban sa mpox nitong Sabado upang pigilan ang lalong paglaganap ng sakit sa Democratic Republic of Congo patungo sa iba pang mga bansa sa Africa ngayong taon.


Isinagawa ang isang seremonya sa Goma, kung saan ang mga health worker ang unang tumanggap ng mga dosis ng bakuna. Nagbabala ang Ministry of Health na maliit ang saklaw ng kampanya dahil sa limitadong mga resources, na mayroong 265,000 dosis ng bakuna na kasalukuyang magagamit, bagaman may mga karagdagan pang paparating.


"The rollout of the vaccine marks an important step in limiting the spread of the virus and ensuring the safety of families and communities," pahayag ni Matshidiso Moeti, ang direktor ng World Health Organization sa Africa.


Kumakalat ang mpox sa pamamagitan ng malapitang kontak, at maaari itong maging nakamamatay sa mga bihirang pagkakataon. Karaniwan itong nagdudulot ng mga sintomas na parang trangkaso at mga pus-filled lesions sa katawan. Noong Agosto, idineklara ng World Health Organization ang outbreak bilang isang public health emergency.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page