top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 12, 2024



Sinuspinde na ang laboratoryong responsable sa mga pagsusuri sa mga organ donation matapos mailipat ang mga organs mula sa dalawang donor. Photo: FP / File


Anim na pasyente sa Brazil ang nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) matapos makatanggap ng mga infected organs mula sa organ donation service ng Rio de Janeiro, ayon sa mga opisyal nitong Biyernes.


Ayon sa opisina ng Rio Health Secretary, sinuspinde na ang laboratoryong responsable sa mga pagsusuri sa mga organ donation matapos mailipat ang mga organs mula sa dalawang donor patungo sa anim na pasyente.


Sinusuri naman ang iba pang mga transplant patient para sa posibleng impeksyon, at lahat ng nakaimbak na organs mula noong Disyembre 2023, nang magsimulang magtrabaho ang laboratoryo, ay isinailalim sa pagsusuri.


"This has no precedent," pahayag ng opisina. Iniimbestigahan ng pulisya kung saan nagmula ang dalawang maling organ tests. Nalaman ang isyu nang mag-ulat ng problema sa kalusugan ang isang heart transplant recipient at nagpositibo sa HIV.


Dalawa pang kidney transplant recipients ang nagpositibo, ayon sa mga awtoridad sa kalusugan. Nababahala naman ang mga doktor na maaaring mabawasan ang tiwala ng publiko sa organ service at bumaba ang bilang ng mga donor dahil sa pagkakamaling ito.

 
 

ni Eli San Miguel @Technology | Oct. 11, 2024



Photo: AP / SKY - Circulated


Nagdulot ng pagkawasak sa dalawang komunidad ang mga airstrike ng Israel sa gitnang Beirut nitong Huwebes, na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng dose-dosenang iba pa, ayon sa Lebanon health ministry.


Lalong pinataas ng pag-atakeng ito ang tensyon sa nagpapatuloy na labanan ng Israel at Iran-backed Hezbollah militants sa Lebanon. Itinuturing ang airstrike na pinakamadugo sa nakalipas na taon, na tumarget sa dalawang residential buildings sa magkaibang lugar.


Gumuho ang isang walong-palapag na gusali, habang nawasak ang mababang palapag ng isa pang gusali, ayon sa ulat ng AP photographer sa lugar. Sa parehong araw, pinaputukan din ng puwersa ng Israel ang mga peacekeeper ng United Nations sa katimugang Lebanon, na ikinasugat ng dalawa at nagdulot ng malawakang pagbatikos.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas | Oct. 8, 2024



News Photo

Binitay ang isang Pinoy sa Kingdom of Saudi Arabia matapos mapatunayang guilty ito sa pagpatay sa isang Saudi national, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Martes.


Nagpahayag si DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng kagawaran ang lahat ng makakaya kaugnay sa kaso ng akusado, kabilang ang pagpapadala ng liham ng apela mula kay President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ngunit hindi naging matagumpay ang kanilang pakikipag-ugnayan.


“No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” saad ni De Vega. Samantala, nilinaw rin ni De Vega na ayaw ng pamilya ng binitay na Pinoy na isapubliko ang kanilang kaso.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page