top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 25, 2024



Photo: FP / File


Kinumpirma ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang dalawang kaso ng bird flu sa mga manggagawa sa poultry farm sa estado ng Washington nitong Huwebes.


Inihayag din ng CDC na ligtas mula sa bird flu ang mga healthcare worker na nag-asikaso ng pasyenteng may virus sa Missouri.


Sa 31 kumpirmadong kaso ng bird flu sa tao sa U.S., isa lamang ang hindi konektado sa mga manggagawang may kontak sa nahawaang manok o baka.


Sinabi ng mga opisyal na mababa ang panganib ng virus sa publiko. Gayunpaman, inaasahan ng CDC ang pagdami pa ng kumpirmadong kaso sa Washington habang isinasagawa ang karagdagang pagsusuri, ayon kay Principal Deputy Director Nirav Shah.


Nagpadala na rin ng mga team sa California, Michigan, Colorado, at Washington para tumulong sa pagtugon sa bird flu, dagdag ni Shah.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 24, 2024



Photo: Kamala Harris at Donald Trump - Rick Bowmer / Associated Press


Nakaboto na ang milyun-milyong botante sa United States, habang hinahanap ni Democratic candidate Kamala Harris ang suporta ng mga undecided voters sa isang town hall sa Pennsylvania, na kasabay naman ng pangangampanya ni Republican Donald Trump sa Georgia.


Halos 25 milyong botante na ang bumoto, alinman sa personal o sa pamamagitan ng mail, ayon sa Election Lab ng University of Florida.


Kabilang ang Pennsylvania at Georgia sa pitong battleground states na magpapasya sa halalan sa pagkapangulo, kung saan nakatuon ang mga kampanya ng parehong kandidato.


Mayroon si Harris ng bahagyang 46% na kalamangan laban sa dating presidenteng si Trump na may 43% sa pinakahuling Reuters/Ipsos poll.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 23, 2024



Photo: Uganda fuel truck / Reuters


Narekober ang 10 bangkay matapos ang pagsabog ng isang fuel tanker sa Kampala, kabisera ng Uganda, nitong Martes, ayon sa isang saksi mula sa Reuters.


Iniulat ng pulisya na tumaob ang tanker bandang alas-3 ng hapon (local time), na nagresulta sa ilang nasawi at nasugatan.


Naganap ang insidente sa suburb ng Kigoogwa sa hilagang bahagi ng Kampala, sa isang kalsada na nag-uugnay sa lungsod at Gulu, ayon sa pulisya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page