top of page
Search

ni Angela Fernando @Technology | Nov. 15, 2024



Image: TikTok / Symphony AI


Inanunsyo ng TikTok kamakailan ang pandaigdigang paglalabas nila ng Symphony Creative Studios, isang generative AI video creation platform, na magagamit na ng lahat ng advertisers.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng TikTok na palakasin ang kanilang ad business.


Magugunitang mas maaga ngayong taon, sa TikTok World Product Summit, ipinakilala ng platform ang bagong creative content suite na tinatawag na "Symphony," na dinisenyo upang makatulong sa mga negosyo, creators, at agencies na makagawa ng mataas na kalidad at engaging na content na tumutugma sa kanilang brand.


Kasama sa suite ng Symphony ang Symphony Creative Studios, Symphony Assistant, Symphony Digital Avatars, at TikTok Ads Manager.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Nov. 14, 2024



Photo: Israel's war - Israeli army / Reuters


Iginigiit ng mga opisyal ng Israel na mapanatili ang patuloy nitong pag-atake sa Lebanon na bahagi ng mga kondisyon para sa isang tigil-putukan laban sa Iran-backed Hezbollah, ayon sa foreign minister ng France na si Jean-Noel Barrot.


Sa pahayag niya sa isang parliamentary hearing matapos ang kanyang pagbisita sa Jerusalem nu'ng nakaraang linggo, binanggit ni Barrot na ito ay isang kondisyon na mas madalas nang inihihirit ng mga opisyal ng Israel.


"Today we hear in Israel voices calling for it to keep a capacity to strike at any moment or even enter Lebanon, as is the case with its neighbour Syria," saad ni Barrot.


Samantala, binigyang-linaw naman ng mga diplomat na imposibleng makuha ang pagsang-ayon ng Hezbollah o Lebanon sa anumang panukala na may kasamang kundisyon na katulad sa inihihirit ng Israel.


Walang naging agarang komento mula sa Israel kaugnay ng mga pahayag na ito, ngunit nauna nang sinabi ng kanilang defense minister na si Israel Katz na, “We will not allow any arrangement that does not include the achievement of the war’s objectives - and above all Israel’s right to enforce and act on its own against any terrorist activity.”

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Nov. 13, 2024



Photo: Donald Trump, Vivek Ramaswamy at Elon Musk - FB / IG / Angela Weiss-AFP


Inanunsyo ni United States President-elect Donald Trump kamakailan ang pagtatalaga kay Elon Musk at dating Republican presidential candidate na si Vivek Ramaswamy bilang mga pinuno ng bagong likhang Department of Government Efficiency (DGE).


Ang hakbang na ito ay pagkilala sa dalawa na tanyag na tagasuporta ni Trump mula sa pribadong sektor.


“[Musk and Ramaswamy] will pave the way for my Administration to dismantle Government Bureaucracy, slash excess regulations, cut wasteful expenditures, and restructure Federal Agencies," pagbibigay-diin ni Trump.


Ang pagtatalaga sa dalawa ay inaasahang magdadala ng malaking pagbabago sa paraan ng pagpapatakbo ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Trump.


Paglilinaw ni Trump, ang bagong departamento ay magbibigay ng payo at gabay mula sa labas ng gobyerno, na nagpapahiwatig na ito ay hindi limitado sa tradisyunal na saklaw lamang ng pamahalaan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page