top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 10, 2021


ree


Inanunsiyo ni Chito Miranda na may bagong song album ang banda niyang Parokya ni Edgar.


Ang album ay tatawaging "Borbolen."


Ayon kay Chito, ilan sa mga kanta sa bagong album ay isinulat nila matapos na ilabas ang album nila na "Pogi Years Old," limang taon na ang nakararaan habang ang ibang kanta sa "Borbolen" ay ginawa nila ngayong panahon ng pandemic.


"'Yung iba, sinulat at ni-record namin during the pandemic and was recorded and mixed via email and Google Drive," aniya. "Kumbaga pasahan lang ng files."


Kabilang din sa ilalabas nilang kanta ay kasama dapat noong inilabas ang album na “Bigotilyo” ngunit hindi pinayagan noong taong iyon.


Available ang "Borbolen" sa lahat ng digital platforms.


Ilan sa mga kantang pinasikat ng Parokya ni Edgar ay Buloy, Bagsakan, Inuman, Halaga, Gitara, at iba pa.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 30, 2021



ree

Pumanaw na ang 62-anyos OPM icon na si Claire dela Fuente dahil sa cardiac arrest, ayon sa kumpirmasyon ng mga kamag-anak niya ngayong Martes nang umaga, Marso 30.


Batay sa tweet ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, “Relatives of the singer confirmed her passing thru composer and music producer Jonathan Manalo who is close to the family."


Matatandaang muling umingay ang pangalan ni Claire matapos masangkot ang anak niya sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Taong 1997 nang bumenta ang una niyang album at nasundan pa iyon ng 7 albums sa mga sumunod na taon.


Kabilang sa mga sumikat niyang kanta ay ang jukebox hit na Sayang, Minsan-Minsan at Nakaw Na Pag-ibig. Kinilala rin siya bilang The Karen Carpenter of the Philippines, Queen of Tagalog Songs at Jukebox Queen kasama sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Didith Reyes.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page