top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 4, 2022



Nakamit na ng Olongapo City ang herd immunity laban sa COVID-19 matapos maabot ang target na mabakunahan, ayon sa datos ng local government unit (LGU) nitong Huwebes.


Ayon sa COVID-19 task force ng siyudad, at least 191, 825 residente rito ang nakumpleto na ang primary series ng kanilang bakuna mula nang simulan ng LGU ang mass inoculation sa kalagitnaan ng 2021.


Kasunod nito ay nag-improve ang COVID-19 situation sa siyudad na ngayon ay mayroon na lamang 14 active cases.


Nasa 29, 312 residente naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots habang patuloy naman ang mass vaccination kabilang ang mga batang edad 5 pataas.


Mayroong 260,000 populasyon ang Olongapo City base sa 2020 census.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 14, 2022



Umabot na sa 30 health workers ng main Covid hospital sa Olongapo City ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa opisyal ng ospital nitong Huwebes.


Sa isang interview, sinabi ni Dr. Jewel Manuel, chief ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), na 20 sa infected hospital workers ang naka-confine sa hospital wards habang 10 ang naka-home quarantine.


Ayon pa kay Manuel, nakararanas ng mild symptoms ang mga health workers at walang nasa kritikal na kondisyon.


Mayroon ding 6 na COVID patients, kung saan 2 dito ang nasa malalang kalagayan, ang kasalukuyang nagpapagaling sa nasabing ospital.


Gayunman, nananatiling bakante ang intensive care unit sa ospital.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 13, 2022



Nasa critical status na ang 1 sa 4 na ospital sa Olongapo City matapos maabot ang maximum bed capacity para sa COVID-19 patients, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Jan. 12.


Lahat ng 6 na isolation beds ng Zambales Medical Mission Group Coop Hospital ay okupado na.


Sa St. Jude Medical Center naman ay nasa moderate level pa, kung saan 3 sa 8 intensive care unit (ICU) nito ang bakante pa.


Nasa safe level naman ang James L. Gordon Memorial Hospital, ang primary COVID-19 facility sa siyudad, at Mother and Child General Hospital.


Nakapagtala na ang Olongapo City ng 5,684 COVID-19 cases simula noong 2020, kung saan 223 dito ay aktibo, habang 5,143 ang naka-recover at 318 ang namatay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page