top of page
Search

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | December 13, 2020


ree


Tumaas daw ang star value ni Janine Gutierrez ngayon bilang contract star ng Kapuso Network o GMA-7 dahil tila nakahukay sila ng ginto sa anak ni Lotlot de Leon.


Mula nang manalong Best Actress si Janine sa nakaraang Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa performance niya sa pelikulang Babae at Baril ay napatunayang may malaki siyang potensiyal sa pagiging tunay na aktres.


Nadaig pa niya ang mommy niyang si Balot na wala pang award na napapanalunan sa hanay ng mga kritiko. Kaya kantiyaw ng mga miron kay Janine, mukhang namana niya ang husay sa pag-arte sa lola niyang si Nora Aunor at hindi sa sariling mommy na si Lotlot.


Talbooog!

 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | December 4, 2020


ree


Marami sa mga kaibigan, kamag-anak at kasamahan ng radio-tv personality at host ng dating Dos Por Dos ng ABS-CBN 2 na si Anthony Taberna a.k.a. Ka Tunying ang nagulat at nagkakaisa sa panalangin para sa paggaling ng kanyang panganay na anak na si Zoey matapos ma-diagnose nu'ng nakaraang taon na may leukemia pala ito.


Kahit gaano katatag at katapang si Ka Tunying sa kanyang programa sa TV at radyo, hindi raw niya naiwasang mapaiyak nang makitang kinakalbo ang kanyang anak na si Zoey dahil kailangan ito para sa chemotherapy ng bata.


Matagal-tagal pa ang gamutan kay Zoey na aabot pa raw nang 3 yrs. pero ayon naman sa misis ni Ka Tunying na si Rossel Taberna, matindi ang kapit nila sa Diyos at hindi sila nawawalan ng pag-asa na gagaling si Zoey.


Ngayon nga raw, nakikita na nila ang unti-unting pag-okay ng kondisyon ng anak.


Kasama kaming nananalangin na sana'y malagpasan ng pamilya Taberna ang mabigat na pagsubok na ito at gumaling agad si Zoey para makabalik sa normal na buhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page