top of page
Search

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | January 30, 2021


ree


Kahit may mga nagtataas ng kilay at mga kontra sa gustong ipatayong Superstar resto- memorabilya ng Godfather Productions mega producer na si Joed Serrano para kay Nora Aunor ay buo pa rin ang desisyon niyang ituloy 'yun.


Katunayan ay naghahanap na siya ng lugar at loteng puwede niyang patayuan ng naturang resto na sa kauna-unahang pagkakataon ay siya lamang ang makagagawa sa kasaysayan ng industriya ng local showbiz na matagal nang pangarap ng mga Noranians sa buong mundo.


Maganda ang layunin ni Joed sa pagpapatayo ng resto para kay Mama Guy na magsisilbi ring tourist destination kung sakali. Dahil bukod sa kakain na ng masasarap ang mga pupunta roon ay maaaliw pa silang makita ang napakaraming plake at tropeo ng pagkilala sa kahusayan ni Mama Guy bilang singer at aktres.


Magsisilbing museum 'yun ng pagiging multi-awarded niyang alagad ng sining na dapat makita ng lahat lalo na ng millennial ngayon, 'ika nga, at bilang tribute rin ng Godfather produ sa tinitingalang pinakamaningning na bituin ng Pilipinas sa loob ng mahigit limang dekada.


Kantiyaw tuloy ng mga miron ay baka kulangin sa espasyo ang naturang Superstar resto once na idinispley lahat doon ang halos dalawang daang mga karangalang nakamit ni Mama Guy, isama pa ang international awards niya.


So, kung may Elsa statue na ipinagawa si Sen. Imee Marcos sa Paoay, Ilocos bilang parangal sa iconic character ni Nora sa Himala movie, heto ngayon at eeksena naman ang Superstar resto-memorabilya ni Joed na inaabangan at ikasisiya ng lahat, lalo na ng mga Noranians sa buong kapuluan.

 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | January 25, 2021


ree


Sinadya nga bang indiyanin at isnabin nina Cherie Gil at Gladys Reyes ang story conference kamakailan ng Kontrabida, ang follow-up movie ng Mega Producer na si Joed Serrano ng God Father Productions sa kanyang kontrobersiyal at pinag-uusapang Anak ng Macho Dancer, na naganap sa Anabel's Resto sa Tomas Morato, QC kung saan ang buong cast ay nandu'n lalo na ang bidang si Nora Aunor?


Imposible raw na hindi alam nina Cherie at Gladys ang nasabing storycon kaya no show ang dalawa.


May iniiwasan daw ba ang mga itong makita o matanong ng movie press kaya wala sila sa event?


Anyway, ngayon pa lang ay inaabangan na ang Kontrabida movie ni Mama Guy dahil first time niyang gaganap dito bilang kontrabida.


Sino kaya ang aktres na sasampal kay Nora sa movie?


Abangan!

 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | January 13, 2021


ree


Dapat ay nu'ng January 4 pa nag-umpisa ang first shooting day ng Kontrabida, ang unang pelikulang gagawin ng Superstar na si Nora Aunor under The Godfather Productions, ang film outfit ng dating aktor-turned producer na si Joed Serrano.


Makakasama rito ni Mama Guy ang magagaling na aktor at aktres na sina Bembol Rocco, Cherie Gil, Gladys Reyes, Rosanna Roces atbp..


Pero dahil marami pang inaayos ang produksiyon kaya naging third week ng buwang ito na magsisimula ang paggiling ng mga kamera para sa obrang ididirehe ni Direk Adolf Alix, Jr..


Ang inaabangan at pasabog sa pelikulang ito ay may kinukumbinse raw sina Direk Adolf at Joed na mga sikat ngayong aktres para magkaroon ng cameo role sa Kontrabida na sasampal o sasapok sa Superstar na si Mama Guy.


Hinuhulaan ng mga reporters na baka isa kina Bea Alonzo, Angel Locsin, Julia Montes, Kathryn Bernardo o kaya'y kina Carla Abellana, Heart Evangelista at Marian Rivera ang pinagpipilian, na ayaw pang ibulgar nitong si Joed.


Basta, magugulat daw ang lahat kung sino ang mapipiling sumampal kay Mama Guy!


Aba! Kung karangalan sa mga artista ngayon ang masampal sila ni Nora, kabaligtaran naman ang mangyayari, sabi ni Joed, dahil magiging karangalan kanino man mapunta ang role na sasampal sa nag-iisang Superstar.


Ang tanong ay kung masampal nga kaya ng sinumang mapili sa mga nabanggit na aktres si Mama Guy 'pag gumana na ang mga mata nito sa eksena.


Abangan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page