top of page
Search

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 07, 2021


ree

Walang intensiyon na magyabang at magmalaki ang Superstar na si Nora Aunor nang ilantad niya sa social media ang video ng malawak niyang lupain na umaabot nang mahigit animnapung ektarya na naipundar ng kanyang mga magulang nu'ng kasagsagan at sobrang lakas ng kita niya nu'ng 'dekada '70 bilang Superstar.


Gusto lang ni Mama Guy na depensahan ang mga nang-iintriga sa kanya at nangungulit kung saan napunta ang naipon niyang kita noon.


Kaya ayaw man niyang ilantad ang anumang ari-arian na meron siya sa Iriga City ay napilitan siyang ilabas para sagutin ang mga umiintriga sa kanyang kesyo purdoy na siya at balik-hikahos daw ang haharapin niyang buhay once na magretiro na sa showbiz.


Tiyak na nalula at inggit ang sumagi sa isipan ng mga detractors ng Superstar nang sumambulat sa mga mata nila ang ekta- ektaryang lupain ni Nora na maaaring magamit niya at ipamana sa mga anak pagdating ng araw.


Talboooog!!!



 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 06, 2021



ree

Nagdadalamhati ang Superstar na si Nora Aunor sa magkasunod na pagyao ng mga taong malapit sa kanyang puso.


Una, ang BFF niyang si Kitchie Benedicto at pangalawa, ang solid supporter niyang ICON member na si Albert Medina Sunga (SLN).


Pero para kay Mama Guy, tuloy ang buhay lalo na sa showbiz. Kahit ano pa ang mangyari'y the show must go on, 'ika nga.


Panalangin lang ng mga nagmamahal at malalapit sa Superstar ay alagaan nito ang kanyang health.


Matagal-tagal na ring walang regular serye ang Superstar kaya ang tanong ng kanyang mga fans, magre-renew pa kaya ng kontrata sa Kapuso Network si Ms. Nora Aunor?

Abangan!

 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | March 4, 2021


ree


Kahit sinusumpong ng kanyang hika ang Superstar na si Nora Aunor ay hindi ito naging hadlang para ma-delay ang syuting nila ng Kontrabida sa The Godfather Productions ni Joed Serrano.


Tuwang-tuwa ang tinaguriang Mega Producer sa kooperasyon ni Mama Guy lalo na't lagi itong maaga sa set at kung ilang eksena o sequences ang dapat na gawin sa araw na 'yun, kahit medyo masama ang pakiramdam ng Superstar ay tuluy-tuloy lang ang trabaho nito, kaya walang oras na nasasayang.


Sobrang propesyonal ng lahat, lalo na si Mama Guy, dahil gusto nitong matapos agad ang proyekto nang walang aberya.


Idagdag pang puring-puri ni Nora ang mga kasama niya sa Kontrabida.


Totoo kayang ang Megastar na si Sharon Cuneta ang napapayag ni Joed na magkaroon ng cameo role sa nasabing obra ni Direk Adolf Alix, Jr. para siyang sumampal o sumapok sa Superstar?


Abangan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page