top of page
Search

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 12, 2021



ree

Marami ang natutuwa sa nakikitang magandang pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kahit ilang taon nang kasal at may dalawa nang anak, tahimik ang kanilang pamilya at walang napapabalitang third party sa kaninuman.


Pero how true ang nakarating sa aming tsika na kahit kasal na sina Dong at Yan, may pagka-selosa pa rin daw ang aktres at mino-monitor ang mga pinupuntahan ng mister, lalo’t bukod sa pagiging aktor, businessman din kasi si Dingdong kaya maraming nakaka-meeting.


Well, siguro naman ay nag-aalala lang si Marian at gustong masigurong laging safe ang ama ng kanyang dalawang anak at hindi naman dahil wala itong tiwala kay Dingdong.


Besides, hindi naman binibigyan ng dahilan ni Dingdong na magselos si Marian at kitang-kita ang pagmamahal nito sa kanyang byuti pa ring misis.



 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 10, 2021



ree

Kahit senior citizen na (60 yrs. old) ang mahusay at guwapong aktor na si Albert Martinez ay proud ito sa kanyang edad ngayon, dahil nag-viral sa social media ang mga litrato niya nu’ng kanyang kabataan at nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz 40 years ago.


Hindi rin nahihiya ang aktor kahit pa mag-hello sa madlang pipol ang mga puti niyang buhok, dahil wala naman sa aura niya ang pagkakaroon ng edad.


Malakas pa rin ang dating at sex appeal ni Albert kaya hindi kataka-takang walang sinumang young actress na tumatangging makasama o maka-love scene siya sa pelikula.


Kumbaga, hindi nakakaramdam sa kanya ng diri o pagka-ilang factor ang mga babae, tulad na lang ng beauty queen na si Kylie Verzosa na bigay na bigay daw sa eksena nila sa pelikulang The Housemaid.


Kung ang ibang senior actors na kapanabayan ni Albert ay nakaranas ng rejection sa dapat na maging leading lady nila gaya ng pagtanggi noon ni Lovi Poe sa guwapo pa ring aktor na si Gabby Concepcion sa GMA-7 sa isang drama series ay ibahin nga naman itong si Albert na baby-faced pa rin at yummy sa paningin ng nakararami, kahit may tatlo nang malalaking anak at biyudo na nga.


Talbog!



 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 09, 2021



ree

Nasa Last Will and Testament pala ng yumaong komedyanang si Mahal a.k.a. Noemi Tesorero ang pangalan ng BF niyang si Mygz Molino, kung saan bukod sa pamanang condo unit at sasakyan ay may parte pa rin daw ito sa naiwang pera sa bank account ni Mahal na umabot sa P45 million.


Ayon sa napanood naming video, bilang pasasalamat at pagtanaw na lang din daw ng utang na loob ni Mahal sa kanyang guwapong boyfriend sa pag-aalaga sa kanya kaya kasama ito sa mga pinamanahan niya.


Ang tanong lang diyan ay kung agree ba ang mga kapatid ni Mahal sa desisyon nito?

And how true na sa sobrang depresyon daw ni Mygz sa pagkawala ni Mahal ay nagkasakit na ito at naospital?


Lagi kaya siyang minumulto ng maliit na aktres-komedyana kaya hindi pa rin siya maka- move on at matanggap ang pagpanaw ni Mahal?



 
 
RECOMMENDED
bottom of page