top of page
Search

by Info - @Brand Zone | March 31, 2022



ISINUSULONG ng party-list group na AKO OFW ang pagpapababa ng presyo ng kuryente sa buong bansa upang mabawasan ang pasanin ng mga pamilyang hirap makapagbayad ng kanilang buwanang bill.


Ayon kay AKO OFW founder Dr. Chie Umandap, malaki ang maitutulong ng pagpapababa ng kuryente sa Pilipinas para mabawasan ang mga inaalala ng mga konsyumer sa pagbabayad ng kuryente.


Ayon sa Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), kumakatawan sa 8 porsyento ng gastos ng bawat pamilya sa Pilipinas ang kuryente, langis, tubig, at iba pang produktong petrolyo.


Pangatlo ito sa pinakamalaking pinagkakagastusan ng bawat pamilya, sunod sa pagkain (43 porsyento) at upa o renta (12 porsyento).


Ayon kay Dr. Umandap, ang mas mababang presyo ng kuryente hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ay makatutulong sa mga OFW na na nagsasakripisyong mapalayo sa kanilang pamilya upang kumita at matustusan lamang ang kanilang mga pangangailangan.


“I’ve been advocating for hospitalizations benefits, pension plans, and livelihood programs for our OFWs and I find it very important to help them in other aspects that will make their sacrifices even more worth it,” aniya.


Kinwestyon din ni Dr. Umandap ang malaking diperensya ng presyo ng kuryente sa bansa. Base sa isang news report, ilang residente sa Iligan City ang nagrereklamo dahil sa higit P12 kada kilowatt hour (kWh) na presyo ng kuryente sa kanilang lugar. Sa Metro Manila, nasa P9.65 kada kWh ang average na singil, at sa Misamis Occidental na nasa P13 hanggang P14 kada kWh.


“We have a Metro Manila-centric perspective on electricity rates, when in fact, people in the metro were paying less compared to those living in other parts of the country,” dagdag niya.


Ang kuryente sa Metro Manila at ilang karatig-probinsya ay sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa.


Samantala, ang Visayas naman ay sineserbisyuhan ng Visayan Electric Company (VECO) at ilang mga electric cooperative (VECO), at ng Davao Light and Power Company at iba pang kooperatiba para sa Mindanao.


Kumpara sa ibang distribyutor ng kuryente, nananatiling mas mababa sa P10 kada kWh ang karaniwang presyo ng kuryente ng Meralco.


“If customers of Meralco are paying below P10 per kWh, then it would really help if other distributors in the country will also work to lower the rates, without compromising the quality of service that they deliver to customers,” ayon kay Dr. Umandap.


Base sa pinakahuling datos ng PSA, nasa 8 porsyento ng OFW ang nakatira sa National Capital Region, 54 porsyento sa ibang mga bahagi ng Luzon, 21 porsyento sa Mindanao, at 17 porsyento sa Visayas.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 14, 2022

by Info - @Brand Zone | March 14, 2022



Masayang sinalubong ng mga mamamayan ng Las Pinas ang buong team ng AKOOFW Partylist sa pangunguna ng kilalang tagapagtaguyod sa karapatan ng mga OFW na si Dr. Chie Umandap sa isang malaking rally na ginanap kamakailan.


Number 10 sa balota, ang AKO OFW ay pumapalo sa mga pre elections na inilabas kamakailan patunay sa lumalakas na panawagan ng OFW sector na ipasok ito sa Kongreso sa darating na Mayo.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 11, 2022



Nasa 2,200 overseas Filipino workers (OFW) na hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19 ang nananatiling naka-quarantine sa mga hotel, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Biyernes.


Sa panayam ng GMA News’ Unang Balita, sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na ang mga naturang OFW ay nananatili sa humigit-kumulang 70 hotels.


“Sa ngayon, meron tayong 2,200 OFWs. Meron pa ring quarantine gawa ng mga partially vaccinated, kailangan pa rin i-quarantine, not fully vaccinated or partially vaccinated.

Higit kumulang mga 70 hotels sila naka-billet ngayon,” aniya.


Nilinaw din ni Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa mga hotel hinggil sa mga unpaid bills ng OWWA.


Sa ngayon daw ay nasa P600 milyon ang halaga ng babayaran ng ahensiya sa mga hotel.


Humingi rin siya ng paumanhin sa mga hotel owners dahil hinihintay pa rin ng OWWA na mai-release ang pondo na manggagaling mula sa Department of Budget and Management (DBM).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page