top of page
Search

by Info @News | November 6, 2025



Panguling Bongbong Marcos at VP Sara Duterte - PCO, OVP.jpg

Photo: Panguling Bongbong Marcos at VP Sara Duterte - PCO, OVP



BUMABA ANG TIWALA


Batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research, kapwa bumaba ang trust at performance ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.


Mula 64% ay bumaba sa 57% ang trust rating ni PBBM, habang bumaba sa 51% mula sa 54% ang kay VP Sara.


Pababang rating din ang naitala para sa performance ng Pangulo, kung saan mula sa 62% noong Hulyo ay bumaba ito sa 54%. Gayundin sa Bise Presidente na 49% mula sa dating 50%.


Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, malaking epekto rito ang mga isyung kinakaharap ng gobyerno tulad ng korupsiyon at taas-presyo.


“Kapag walang improvements ang administrasyon, patuloy na sasadsad pababa ang ratings,” giit ni Rye.


Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 respondents mula September 30 hanggang October 4.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Oct. 14, 2024



Photo: Larawan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte / Page


Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kinikilala ang kanilang mga sarili bilang pro-Marcos sa ikatlong quarter, habang bumaba naman ang bilang ng mga pro-Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.


Batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey na inilabas ngayong Lunes, 38% ng mga adult na Pilipino ang nagpakilalang pro-Marcos, na tumaas ng 2% mula sa survey noong ikalawang quarter ng Marso.


Samantala, 15% ng mga Pilipino ang nagpakilalang pro-Duterte, na bumaba ng 1% mula sa nakaraang survey. “On the other hand, 26% of adult Filipinos consider themselves independent or individuals who do not identify themselves as pro-Marcos, pro-Duterte, or the opposition, a five percent decrease from the previous TNM survey conducted in the second quarter of 2024,” ani OCTA.


Ayon sa OCTA, habang ang mga natuklasan ay nagpapakita ng kaunting pagbabago sa pambansang antas para sa ikatlong quarter, nagpapahiwatig naman ang pagsusuri ng datos sa nakaraang tatlong quarter ng 2024 ng “patuloy na pagtaas” ng mga taong kinikilala bilang sumusuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at isang “patuloy na pagbaba” ng mga sumusuporta sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakuha ang datos mula sa survey sa pamamagitan ng harapang interbyu sa higit sa 1,200 na respondente sa buong bansa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2024.

 
 
  • BULGAR
  • Apr 30, 2023

ni BRT | April 30, 2023



ree

Tumaas pa sa 14.3% ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas o porsyento ng nagpopositibo sa virus mula sa mga indibidwal na nasuri ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.


Base sa data mula sa Department of Health (DOH), iniulat ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, Jr. na nakapagtala ang bansa ng 858 na bagong dinapuan ng sakit, 525 ang bagong gumaling at nasa 5,293 aktibong kaso at wala namang nasawi.


Mayroon ding 331 COVID-19 cases ang naitala sa National Capital Region, 55 sa Laguna at 49 sa Cavite.


Samantala, nananatili namang mababa ang naitalang nasawi at hospitalization rate sa Metro Manila na nasa 22%.


Una rito, inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na dapat mapanatiling mas mababa sa 5% ang COVID positivity rate upang matiyak na kontrolado ang hawahan ng coronavirus.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page